Ballet

2 1 0
                                    

Maria: Mang Juan, nakita niyo po ba si Pedro?

Juan: Si Pedro? Hindi. Bakit? Wala ba sa bahay nila?

Maria: Galing po ako roon kagabi.

Juan: E, kagabi pa naman pala iyon. Puntahan mo uli ngayon. 

Maria: E, mukhang pinagtataguan po kasi ako.

Juan: E, paano mo naman nasabi? Baka may nilakad. Alam mo naman, graduating na si Pedro. Busy iyon.

Maria: Alam ko po 'yon, pero hindi niya po kasi sini-seen ang chat ko. Ayaw niya ring sagutin ang tawag ko.

Juan: A, ganoon ba? Bakit may pinag-awayan ba kayo?

Maria: Hindi ko po matandaan. 

Juan: Baka nagselos siya.

Maria: Naku, malabo po iyon. Wala po kami.

Juan: Ano? Hindi kayo magjowa?

Maria: Hindi po. Sige po, Mang Juan, tuloy na po ako. May practice pa kasi po ako ng ballet. Pakisabi na lang kay Pedro kung sakaling makita niyo po siya. Salamat po!

Juan: O, siya, sige. paghusayan mo ang ballet mo nang makahanap ka na ng boyfriend. Mukhang wala kang pag-asa kay Pedro. 

Maria: Ay, hindi naman po ako umaasa. Mas gusto ko po ang matured na.

Juan: Hay, naku... sige na. Humayo ka na. Diyos ko pong batamg ire. Kinikilabutan ako.


TipakLong StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon