Reality Show

1 1 0
                                    

Hudas: 

Nasaan ako? Anong klaseng lugar ito? Bakit wala akong makitang halaman? Pakawalan niyo ako!

Pakawalan niyo ako rito! Parang awa niyo na. Siguradong hinahanap na ako ni Pedro. Pakawalan niyo ako. Sinong may gawa nito sa akin?

Bakit kailangan niyo akong ikulong sa salaming ito? Ano'ng kasalanan ko sa inyo? 

Lumabas kayo! Sumagot kayo! Nasaan kayo? Ipaliwanag niyo ito sa akin.


Lolo Metong: 

Welcome sa Pinoy Lolo Metong Glass House! Binabati kita dahil marami kang nagawang kasalanan sa mga kapwa mo.


Hudas:

Ano? Nasa reality show ako? Bakit ako? Hindi ako nag-audition. Mag-voluntary exit agad ako. Ngayon na. Hindi ako nakadalo sa graduation ng pamangkin ko dahil sa 'yo, Lolo Metong!


Lolo Metong

Once na nakapasok na rito, wala nang makalalabas hanggang matapos ang show. Kailangang kumita ang show sa mga revelations mo. Kaya umayos ka, huwag kang umarte diyan. Reality show, hindi teleserye. Gets mo?


Hudas:

Ah, basta! Ilabas mo ako ngayon din. Ilabas mo ako rito, Lolo Metong! Ilabas mo ako. 


Lolo Metong:

Magbabalik ang Pinoy Lolo Metong Glass House Tipaklong Edition.




TipakLong StoryWhere stories live. Discover now