Wangwang

1 1 0
                                    

Pedro: Angkol Hudas! Angkol Hudas, nasaan ka po? Bakit hindi po kayo pumunta sa graduation ko? Angkol! Angkol!

Maria: Hinahanap mo rin pala si Hudas. 

Pedro: Oo. Mukha akong kawawa sa graduation kanina. Kung alam ko lang na hindi siya pupunta, sana si Ninong Juan na lang ang pinapunta ko.

Maria: Congratulations, Pedro! Proud ako sa 'yo. Sige, mauna na ako.

Pedro: Teka, teka... Bakit parang ang lungkot mo? Bakit parang nag-iba ang tono mo?

Maria: Nalulungkot ako. Iba ang kutob ko, e.

Pedro: Bakit? Anong nangyari?

Maria: Si Hudas, ang angkol mo... umakyat sa bahay ni Kap. 

Pedro: Ha? Ginawa pa rin niya? At ikaw, bakit hindi mo napigilan? Hindi ba, girlfriend ka niya?

Maria: Oo, Pedro. Two days ago, naging kami.

Pedro: Haist! Sige, sige, wala na akong magagawa sa pagmamahalan ninyo. Ang akin lang ay sana mapigilan natin siya ngayon. Halika, puntahan natin. 

Maria: Teka, teka, naririnig mo ba ang wangwang? Baka nahuli na si Hudas. 

Pedro: Diyos ko, huwag naman po.

TipakLong StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon