GCash

2 1 0
                                    

Hudas: Sige na, Pareng Juan, samahan mo na ako. Last na lang 'to.

Juan: Pareng Hudas, natatakot ako. Hindi ba nga, last time na gumawa tayo, muntikan na tayo kasi may CCTV pala ang bahay na 'yon? Ayaw kong makulong, P're. Ikaw na lang.

Hudas: Hindi tayo makukulong. Matagal na nating ginagawa 'to, ngayon ka pa ba susuko?

Juan: Graduate na si Lucas. Hindi ko na kailangan 'yan.

Hudas: Porke't nakapagtapos ka na ang anak mo, tatalikuran mo na ang buhay natin dati.

Juan: Oo. Iyon lang naman ang purpose ko kaya pinasok ko ang trabahong 'yan. Nagtataka nga ako sa 'yo bakit kailangan mong gawin 'yan. Wala ka namang anak. Regular naman ang pagpapadala sa 'yo ni Pareng Marko para sa inyo ni Pedro. Mas hindi mo kailangan ang pag-aakyat-bahay, Pereng Hudas.

Hudas: Kailangan kong mabayaran ang graduation fee at huling tuition fee ni Pedro. Naalala mo ba noong huling inuman natin? Naka-limang libo tayo. 'Tapos, tumaya ako sa lotto. Sandaang combinations ang tinayaan ko.

Juan: E, nasaan ang iba? Hindi ba't trenta mil kada buwan ang pinapadala sa 'yo ni Pareng Marko?

Hudas: E, Pare, humingi kasi ng GCash ang jowa ko, kaya naubos.

Juan: Lintik ka, Pareng Hudas! 


TipakLong StoryDove le storie prendono vita. Scoprilo ora