Bigas

3 1 0
                                    

Juan:

Bakit ganoon? Kahit hindi na ako pumayag na sumama kay Pareng Hudas ay parang gusto ko pa. May punto naman siya, e. Hindi porket nakapagpatapos na ako ng anak sa kolehiyo ay okey na ako. 

Maghahanap pa ng trabaho si Lucas. Ang taas kasi ng pangarap ng anak ko! Bukod sa napakamahal pa ng kurso niya. 

May mga pangangailangan pa rin pala kami sa pang-araw-araw. Kakain. Magbabayad sa mga bills. Tapos, DH lang si Misis sa Hong Kong, kaya nga kinukulang kami nang madalas. 

Lalo ngayon, ang mamahal ng bilihin. Ang mahal na ng bigas. Ang pamasahe, pataas nang pataas dahil sa pagtaas din ng gasolina.

Kulang na kulang kung tutuusin ang pinadadala ng asawa ko. Malaking tulong talaga sa amin ang trabaho namin ni Pareng Hudas. 

Oo, masama iyon. Delikado. Pero, anong magagawa ko? Elementarya lang ang natapos ko. Hindi naman ako tinatanggap sa construction dahil kulang daw ako ng isang paa. Grabe ang discrimination, di ba? 

Tama si Pareng Hudas.

Teka, pupuntahan ko siya. Baka puwede pa akong sumama sa kaniya.

TipakLong StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon