Engage

3 1 0
                                    

Pedro:

Nababaliw na si Maria sa kahahanap sa akin. Hindi niya alam, magaling akong magtago ng feelings. 

Nagtatampo ako sa kaniya, e. Paano ba naman, umabot na sa singkuwenta mil ang utang niya sa akin kung susumahin. Wala pang interes iyon. Iba naman ang utang sa libre. 

Siguro, nainis din siya sa akin nang hindi ko siya nabilhan ng Air Jordan shoes, kasi kabibili ko lang sa kaniya ng bag. Sabi ko, next week naman. Hayun, nag-walk out sa mall. Imbes na magbu-buffet kami, hindi na natuloy. Ganyan 'yan si Maria, kapag hindi nasusunod ang gusto, at kapag  binabalewla.

Ayaw ko siyang binabalewala, kaya lang gusto kong maramdaman niya rin ang sakit na nararamdaman ko tuwing hindi siya nakikipag-engage sa Reels ko. Hindi niya rin pinanonood ang Tiktok videos ko.  

Masakit 'yon. Napakasakit.

Teka, paalam na. Makikipag-engage muna ako sa nag-iisa kong follower sa Reels.

TipakLong StoryWhere stories live. Discover now