AirPods Pro - Second Generation

2 1 0
                                    

Maria:

Ako si Maria. Tamad ako kaya heto ako, nalulungkot.

Hindi ko na kaya 'to. Hindi ko na kayang tiisin ang pambabalewala sa akin ni Pedro. Kailangan ko nang humanap ng paraan. Nagugutom na ako. 

At saka, may mga gusto akong bilhin, na hindi ko mabibili kung wala siya. Kailangan ko nang makahanap ng iba na magpupuno sa kakulangan ni Pedro. 

Hindi na ako masaya at kuntento sa kaniya. Siguro, natauhan na rin siya sa mga ginagawa ko. Well, hindi ako nagi-guilty dahil naging masaya rin naman siya sa piling ko. Sinamahan ko siya sa mga kabaliwan niya. 

Naging adik na rin ako sa Tiktok dahil sa kaniya. Ngayon, adik na naman ako sa Reels dahil sabi raw ni Metamorphic, puwedeng kumita ang lahat. 

Haist! Sana bago man lang ako makahanap ng kapalit ni Pedro, makausap ko man lang siya. Hindi ko pa kasi naaalbor ang AirPods Pro - Second Generation niya. Sayang din 'yon! 

Sayang din si Pedro. Bakit kasi Agriculture ang kinuha niyang kurso? Hindi siya gumaya sa anak ni Mang Juan na si Lucas. Aeronautics ang kinuha. Sayang! 


TipakLong StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon