Chapter 25

1.4K 68 1
                                    


Hindi ko inasahan ang taong mabubungaran ko sa condo ni pillow.

Kilala ko siya, ipinakilala siya sakin ni pillow pero sa picture lang.

"M-magandang u-umaga po." Magalang kong bati sa mama ni pillow.

Yes. Ang nanay niya ang taong nagbukas ng pinto sakin.

"Magandang umaga. Anong sadya mo dito? Kilala kaba ng anak ko?" Nanginig ang tuhod ko sa lamig ng boses ng nanay niya.

Ibang-iba ang kwento ni pillow sakin tungkol sa nanay niya. Asan na yung sweet at caring niyang ina? Isang cold at nakakatakot na tao ang nasa harapan ko.

"K-kaibigan p-po ako ni pillow. G-gusto k-ko lang pong malaman kung a-andiyan po ba siya."

Sa totoo lang gustong gusto ko ng tumakbi ngayon palang.

Tinapunan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Nakakaintimidate ang mga tingin niya.

Maganda ang nanay niya, kanino paba mag mamana ang isa kundi sa magulang. Mala angel ang mukha pero mala serial killer kung makatingin.

"Wala siya dito."

Ang haba ng binagtas ko makapunta lang dito pero yung sagot niya napakaikli.

"P-pwde k-ko po b-ang m-malaman kung nasan siya?" Kanina pa gustong bumigay ng mga tuhod ko sa kaba sa totoo lang.

"Di'ba kaibigan ka niya, bakit hindi mo tanungin." Mataas ang respeto ko sa mga nakakatanda pero sa nanay ni pillow afjghk ewan ko nalang talaga.

"S-sige po. M-mauuna n-napo ako." Paalam ko. Bago pako makagawa ng karuma-rumarim na krimen.

"Sandali." Aalis na nga ako eh.

"B-bakit p-po?" Akala ko matatapos na ang kalbaryo ko pero heto nanaman. Pinaalis niyo nalang po sana ako.

"May kilala kabang Eli De Castro." Tuluyang nanigas ako sa kinatatayuan ko.

"B-bakit p-po?" Naliligo nako sa pawis ko. Ramdam ko rin ang basa ng kili-kili ko sa sandaling ito.

"Kilala mo ba siya?" Kailan niya ba sasagutin ang mga tanong ko.

"O-opo." Ako po siya. Syempre hindi ko sasabihin yon.

Tumayo siya ng diretso at nagcross arm sa harapan ko. Halata ang galit sa mukha niya sa diko malamang dahilan.

May nagawa ba akong este si Eli hindi niya nagustuhan? Naging mabuti naman ako kay pillow hanggang dulo. Unless ikinwento niya sa nanay niya na mas pinili ko ang kaibigan ko kesa sakanya.

Nakakatakot pa naman ang nanat niya, kung ako si Eli ngayon baka may sampong kutsilyo ng nakabaon sa katawan ko.

"Sabihin mo sakanya na hinding hindi na siya makakalapit pa sa anak ko." Para bang may pagbabanta sa boses niya.

"B-bakit p-po?" Ikwinento ba ni pillow sakanya ang lahat?

Hindi pa kami nagkakatagpo ng nanay niya pero ganito na agad ang galit niya sakin sa diko malamang dahilan.

"Makakaalis kana." At pagkatapos non ay isinarado niya na ang pinto.

Napasalampak nalang talaga ako sa hallway sa panglalambot ng mga tuhod ko.

May mga tanong sa isipan ko na hindi ko alam kung saan pupulutin ang sagot.

Bakit ganon nalang ang galit ng nanay ni pillow sakin?

Ano bang sinabi ni pillow sakanya para pagbawalan niya akong makita ang anak niya?

Ang dami kong tanong pero mas minabuti ko nalang puntahan ang dalawa pa para makamusta ko ang kalagayan nila.

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOWhere stories live. Discover now