CHAPTER 38

1.6K 78 1
                                    

A/N:

Sorry natagalan:))

Mabagal lang UD, ang mahalaga meron😬

IZIAH POV

"May ginto ba sa mga maleta niyo? Ang bibigat eh." Kakapasok ko lang ng mga maleta nila sa sasakyan I swear ang bibigat talaga. One week lang kami don pero parang pang whole month ang dala nila.

"We bring set of bikinis baby" sagot ni Ms.Sav na ikinakunot ng noo ko.

"Bikinis! Kakapiranggot na tela lang yon pero ganito na agad kabigat susmaryosep akala ko wedding gown na dala niyo eh." Lahat sila'y namula ang pisngi. May nasabi bako?

"Wait don't tell me may wedding gown talaga kayo sa maleta?" Mabilis silang nag iwas ng tingin na akala mo'y nahuli ng pulis.

Anong trip ng mga to?

"Mamaya nayang landian halika at baka mahuli tayo sa flight." Turan ni ruru.

Isinara ko nalang ang likod ng sasakyan bago dumiretso sa driver seat. Katabi ko nga pala sa harapa si ruru. Ginisa niya ako ng todo kahapon dahil nagmadali daw siya sa pag-iimpake para lang makasama samin kaya ngalang ngayon palang talaga ang alis namin at hindi kahapon kaya ang ending pinatulog ko nalang siya dito sa bahay at baka kalbuhin niya na talaga ako ng todo.

"Okay lang ba kayo diyan?" Tanong ko sa mga prinsesa ko sa likod.

"Yep. We're good here." Nakangiti akong tumango kay Ms.Pillow mula sa salamin.

Binuhay ko na ang makina ng kotse ko  at nagmaneho na sa paliparan. Iniwan ko nga pala ang van na gamit namin sa mismong paliparan. Pasensiya na may kapit eh haha.

"Love pahelp naman ako dito hindi umiikot yung gulong eh." Agad kong nilapitan si Ms.Light at inexamine ang maleta niya.

Kaya naman pala may sumabit na tali.

"Thank you love!"

"Welcome:)" hinalikan ako nito sa labi na hindi ko inasahan na gagawin niya.

"Ms.Light nasa public place tayo." Hayag ko habang iginagala ang paningin ko. Sh*t wala naman sigurong nakakita sa ginawa niya diba?

"So?" Umirap pa ito bago ako iniwan. Kita mo yon naka mood swing nanaman wala namang dalawa.
Napabuntong hininga nalamang ako.

"Baby pwdeng pakuha naman yung shades ko sa bag please." Agad kong tinalima ang pakiusap ni Ms.Sav at hinanap ang shades niya sa bag na nakasabit lang sa maleta.

"Ano ba tong mga to p-tangina! bakit may ganito dito" agad kong kinuha ang shades ng makita ko ito at binalik ang undergarments na nakuha ko kanina sa bag niya.

"Heto na Ms.Sav." hinilan ito bigla ang braso ko dahilan para mapalapit ako sakanya.

"Pwde mo namang hubarin yung mismong suot ko kung gusto mo palang makakuha ng undergarments ko." Nanlaki ang mata ko.

N-nakita niya!

"H-hindi k-ko." Humalakhak siya.

"Kidding baby. Thanks for this." Sabay halik din nito sa labi ko.

Kagaya kanina ay muli kong iniikot ang tingin ko sa paligid. Masyadong dilekado kung may makakakita samin. Ayaw nga naming ipaalam sa publiko ang set up namin pero hindi ko naman masaway ang mga girls para hindi nila ako halikan sa public.

Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong walang nakatingin samin. Mukhang abala ang lahat sa kanya kanya nilang gawain. Mabuti naman.


"Sweetie can you help me with this." Agad kong nilapitan si Ms.Pillow na nakaupo sa waiting area.

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOWhere stories live. Discover now