CHAPTER 72

1.8K 89 19
                                    


Pagkatapos ng gabing yon ay naramdaman ko ang pag-iwas sakin ni light. Nagsisisi ba siyang ibinigay niya muli sakin ang sarili niya? Diko maiwasang hindi makaramdam ng kirot saaking puso.

"Zi." Bumungad sakin si elijah na kararating lang.

Nakangiti akong tumayo at niyakap siya. Nagdisisyon nakong harapin siya sakabila ng takot sa puso ko sa maaari niyang isumbat sakin, ngunit naisip korin na kung hindi ngayon kailan ako gagawa ng paraan para sa mga taong mahalaga sakin.

Nasa coffee shop lang kami malapit sa paaralan ni marcus ako kasi ang naghatid sakanya dahil sa emergency meeting ni light.

"Kamusta kana? Grabe ang ganda ganda mo pala talagang bwisit ka haha." Maski ako ay natawa rito.

"Puro ka parin kalokohan." Maganda naman talaga ako pero shh nalang. "Si inang kumusta na siya?"

"Mabuti na si inang, unti-unti na siyang gumagaling at kapag nakalabas na siya ay babalik na kaming muli sa isla." Gulat akong napatingin rito. Nginitan ako nito ng tipid. Kung aalis sila paano ako?

"Una palang alam ko ng hindi ka kabilang samin, pero kahit ganon ay tinuring ka naming pamilya malaki ang naitulong mo samin ni inang kaya nagpapasalamat ako dahil dumating ka sa buhay namin." Ramdam na ramdam ko ang sinsiridad sakanya.

"A-aalis na talaga kayo?" Tumango ito. Nakaramdam ako ng lungkot. Iiwan narin nila ako, pero wala naman akong magagawa dahil doon talaga ang buhay nila.

"Ang isla ang buhay namin zi at ikaw, dito ang buhay mo." Hinawakan nito ang kamay kong nakadantay sa mesa.

Diko mapigilang maluha dahil pakiramdam ko'y nawawala lahat ng mga mahalagang tao sa buhay ko.

"Shh wag kang malungkot, maari pa naman tayong magkita kung kailan mo nanaisin pwde kang dumalaw samin sa isla anomang oras mo gusto." Ngunit napakalayo ng syudad mula don.

"Pwde ba kong sumama ulit sainyo?" Ayoko ng maranasan muli ang mag-isa. Bakit ba parati nalang akong iniiwan ng mga taong mahal ko.

"Hindi maari zi, maraming tao ang may kailangan sayo rito at kung sasama kang muli samin paano ang mga anak mo? Paano sina ma'am savannah?" Mukhang alam niya na talaga ang tungkol sa pagkatao ko. "Wag ka ng umiyak lalu ka tuluy pumapangit haha." Sinapak ko ang braso niya.

"Pwera biro. Dito ang buhay mo zi, nandito ang lahat ng nagmamahal sayo kailangan mo lang buksan muli ang puso mo para sakanila. Ang gaganda ng mga asawa mo kaya bakit kapa babalik ng isla si tasya lang naman ang babalikan moron hahaha." Gag- talaga amputa.

"Nagawa mong magsurvive noon sa isla kaya alam kong mas magagawa mong mabuhay sa lugar kung saan ka tunay na nababagay." Dala ng lungkot sa puso ko ay tuluyan nakong naiyak naramdaman ko naman ang yakap nito kaya umiyak nalang ako hanggang sa maubusan na ako ng luha.

"Salamat zi, salamat sa lahat.." Hinalikan ako nito sa noo bago kami tuluyang nagpaalam sa isat-isa.

"Mama!" Sigaw ni marcus sa di kalayuan. Nakangiti akong lumuhod at binukas ang mga bisig ko para salubungin siya.

"Mama? Anak niya ba ang batang yon? Ang bata niya pa."

"Best! Omg ang swerte naman ng asawa niya sana ako nalang yon kiyaah!"

"Ang ganda niya pwde ko kayang kunin ang number niya."

Hindi ko pinansin ang bulungan sa paligid. Ang anak ko lang ang ipinunta ko rito wala ng iba.

"Miss." Tinapunan ko ng tingin ang dalawang dalagita na mukhang kinilig pa ng magtama ang mga tingin namin.

"H-hi p-po p-pwde po ba kaming magpapicture sainyo? M-mukha po kasi kayong artista." Palihim akong natawa sa pagkautal nito.

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANONơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ