Chapter 49

927 55 6
                                    

Iziah POV...

Agh ang sakit ng ulo ko.

Igagalaw ko na sana ang katawan ko ng marealize ko ang katayuan ko ngayon.

"Mabuti naman at gising kana my princess."

"Kilabutan ka nga sa pinagsasabi mo vincent! Asan si Ruffa?! San mo siya dinala?!"

Naging alerto ako sa pagkakataong ito. Alam kong nasa malapit siya dahil rinig na rinig ko ang mga galaw niya.

"Woah! Kita mo nga naman. May piring kana nga sa mata nakikita mo parin ang nais kong gawin sayo. But anyway, wala akong ginawa sa kaibigan mo. Tyaka bakit ko naman gagalawin ang taong tumulong sakin para maidala ka rito." Nagulat ako sa binitawan nitong salita.

"K-kasabwat mo si ruffa?" Nakarinig ako ng panibagong yabag. Hindi siya yon kundi iba pa.

Nakaamoy ako ng sigarilyo kaya alam ko na kung bakit may ibang yabang akong narinig.

"Of course not. Bakit naman ako makikipagkampihan sa iba? Kung kaya naman kitang makuha sa sarili kong paraan. Sabihin na nating mabait lang sakin ang mundo at ibang tao ang naging tulay para magkita tayo ulit." Kahit papaano ay napanatag ako sa nalaman ko.

"Nga pala may regalo ako sayo. Sigurado ako na magugustuhan mo to at kahit hindi mo man magustuhan ay ayos lang. Ang mahalaga ay nasira ko na ang pundasyong itinayo mo. Akalain mo yon mas dumadali para saakin ang lahat though sobrang hirap kumuha ng impormasyon sa mga nangyayari sa mga mahal mo sa buhay sangayon. Mabuti nalang talaga at maparaan ang mga nakuha kong tao. Pakinggan mong mabuti ha, namnamin mo ang lahat ng maririnig mo rito dahil pagkatapos nito ay hinding hindi muna sila ulit makikita pa."

Hindi ko alam kung anong tinutukoy niyang regalo basta nakarinig nalang ako ng mas marami pang yabag. Hanggang sa marinig ko ang pamilyar na boses.

"Savannah.."

Ang dami kong narinig sa audio tape na plinay niya. Lahat ng yon ay hindi ko inasahan.

"I-it was them..." Nawala ang mga boses na narinig ko.

Nanlumo ako sa mga nalaman ko at nandiri narin sa sarili ko dahil sa mga nagawa ko noon.

Tunay ngang kapag ang karma ang gumanti ay sobra sobra.

"Whahaha narinig mo ba ang lahat? Anong pakiramdam ng malaman mong ang mga taong mahal mo ay ang mga taong ginawan morin ng masama? Karma ba? Hmm... Sigurado ako ngayon na hindi kana nila hahanapin, like HELLO sino ba naman ang gugustuhing makita pa ang taong sumira sa buhay mo?"

"Hindi ko sinira ang buhay nila! IKAW! IKAW ANG MAY GAWA NG LAHAT! AGH!" Halos mabali ang leeg ko sa higpit ng pagkakasabunot niya sa buhok ko.

"Ako ba? Sorry ah, diko naman kasi expect na susundin mo ang utos ko HAHAHA. Pero ganon paman nagpapasalamat ako sa ginawa mo dahil ngayon wala ng possible pang humadlang sa nais kong gawin sayo. Boys!" Nakarinig muli ako ng mas marami pang yabag.

"IZIAH!" Kilala ko ang boses nato.

"NERD! IKAW BA YAN?!" Di ako pwdeng magkamali. Alam ko si nerd yon. Boses niya yon.

"Oo Iziah ako nga to! Bwisit ka bitawan mo nga ako!"

"VINCENT! Ako lang naman ang gusto mo diba! Kaya bakit kapa nandadamay ng iba na wala namang kinalaman sa alitan nating dalawa!"

Okay na sakin na ako nalang ang pagbuntungan niya ng lahat ng galit niya. Ayoko ng mandamay pa ang isa nanamang inosenteng buhay.

"Awe nagpapakahero ka nanaman ba Iziah? Wag kang mag-alala dahil hindi naman talaga parte ng plano ko ang babaeng to. Boys itapon niyo nayan sa dagat."

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOWhere stories live. Discover now