CHAPTER 68

1.8K 111 42
                                    

Hindi pa rin ako okay ngayon kaya ewan ko lang kung ano mga naisulat ko. May pangako ako kaya tinupad ko lang. Good night.


IZIAH/KESHA POV...

Ilang araw nakong namamalagi sa bahay ni june. Simula ng malaman ko ang totoo ay naisipan ko munang lumayo kahit ilang araw lang.

Diko pa sila kayang harapin ngayon kailangan ko munang kontrolin ang sarili ko.

Sa totoo lang mas natatakot ako na makita ang disapointment sa mga mukha nila kapag nalaman nilang buhay talaga ako.

Ibig sabihin lang kasi non ay totoo ang mga binitawan ni june. Yun na siguro ang pinaka masakit salahat ng nalaman ko. Ang isiping pinagtaksilan ako ng mga taong pinili kong mahalin ng buo.

Pero okay lang dahil paunti-unti konang naoovercome.

"Ilang araw ka ng tulala diyan."

"Ikaw pala."

Umusog ako sa kinauupuan ko para bigyan siya ng pwesto.

Pinili ko lang na magmukmok dito sa may fountain sa gitna ng malawak niyang bakuran habang nakatingin sa ulap na sobrang dilim naman.

"Dikapaba napapagod na umupo dito at tumingin sa taas? Ikaw din baka isipin ni Lord gusto mo ng umakyat."

Alam mo yung pakiramdam na nageemote ka tapos may magjojoke sa mga kaibigan mo kaya tumatawa kanalang habang umiiyak.

"Hayaan mo mas mabuti nga siguro yon para dikona maramdaman to. Aray! Para san yon?"

"Para matauhan ka." Hinimas ko ang noo ko na pinitik niya. Napabuntong hininga siya bago iwinaksi ang kamay ko at hinimas ang noo ko.

I find her gesture sweet pero wala naman akong naramdamang kakaiba.

"Alam ko namang masakit---" pinutol ko ang sasabihin niya.

"Yung pitik mo? Oo." Medyo natawa naman siya bago muling sumeryoso ang kanyang mukha.

"Alam ko masakit pero sa kailangan nating tanggapin ang katotohanan, kung sakaliman na di nila nakita ang halaga mo baka may iba pa talagang nakalaan para sayo." Ng maramdam daman kong dina masakit ang noo ko ay pinatigil kona siya sa paghimas dito.

"Diko yata kaya yon june.." Seryosong usal ko.

"Pano yon? Hahayaan mo nalang ang sarili mo na patuloy mahalin ang mga taong humiling ng sarili mong buhay?" Umiling ako at mapait na ngumiti.

"Ang ibig kong sabihin ay diko yata kayang magmahal ng iba ulit. Medyo tanggap ko na sigurong sinaktan nila ako at pinagtaksilan. Sa tagal koring nawala parang natanggap ko narin sa sarili ko na kung may iba na sila ay ayos lang kaya dina ganon kasakit sa pakiramdam. Nasaktan lang ako sa ideyang kasabwat sila para patayin ako."

Diko lang siguro masyadong tanggap na parang ang bilis kunin ng ibang tao ang buhay ng isa pa. Life is the most precious thing on earth that was being given by God kaya sino tayo para bawiin yon sakanila.

"Isa pa they are not my priority anymore." Halata ang gulat sa mukha niya.

"What do you mean?"

Ilang araw narin akong nag-iisip at nagising nako sa katotohanan. Nagawa kong mabuhay ulit sa pangalawang pag-kakataon kaya bakit ko i-aasa ang kasiyahan ko sa iba. Ang mahalaga ngayon ay ang mga anak ko.

"Ang gusto ko lang ngayon ay ang makasama ang mga anak ko, sila nalang ang alam kong hindi ako magagawang saktan dahil galing sila sakin. Kaya june." Pagtigil ko. Tumingin ako sakanya at binigyan naman niya ako ng tanong na tingin.

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon