CHAPTER 47

946 41 2
                                    

IZIAH POV...

Few years later....

"Dito naman po ang harap mga mommies and babies. 1,2,3 smile"

*click*

*big flash*

-

-

"You're spacing out again." Napalingon ako sa taong dumating at sumira sa pagmumuni-muni ko.

Nakangiti niya akong inabutan ng champagne glass.

"Babe naman loosen up! Masyado kang stress sa binyag ng mga inaanak ko."

Kinuha ko ang champagne sa mga kamay niya at minsanan itong ininom.

"Hindi ako mapalagay ruru *sigh*" I honestly said.

Umupo siya sa tabi kong upuan at tumanaw rin madilim na dagat.

Sa isang tagong resort ginanap ang binyag ng mga anak ko.

Oo, ilang taon na ang lumipas simula ng insedente sa bahay.

Ilang taon narin ng huli akong makatanggap ng pagbabanta kaya mas lalo akong kinakabahan sa possibleng mangyari.

"Masyado mo kasing iniisip" akbay niya sakin. "Dapat ang ginagawa mo ngayon nag-eenjoy! Haleer~ mahalagang okasyon to sa pamilya niyo kaya bakit mo sisirain sa pag-iisip ng kung ano ano."

Napasulyap ako rito. Nakangiting mukha niya ang bumungad sakin.

May point nga naman siya binyag ito ng mga bata and as a mother dapat masaya ako dahil onti-onti akong natututo sa pagiging isang ina.

"Thank you pero kailangan ba talaga ganito tayo kalapit? baka naman gusto mo ng alisin yang mga kamay mo sakin-_-"

"Hahaha sorry po madam ikaw naman kaya itong tumingin sa direksyon ko." Patawa-tawa niya habang inaalis ang pagkakaakbay sakin.

Hindi naman ako apektado dahil magkaibigan naman kaming dalawa at walang malisya samin ang ganong bagay.

"Hay...Finally! Nagkaron narin ng happy ending ang buhay ng bestfriend ko!" Pasigaw niya habang nag-uunat.

Happy ending...

Happy ending nga bang matatawag ang lahat ng to?

Lumipas man ang ilang taon na wala akong natatanggap na pagbabanta ay hindi parin ako mapanatag lalu na't ng malaman kong nasa malapit lang ang gustong sumira sakin.

**Flash back***

"Pasensiya na po at nahuli ako ng dating." Tumango lamang ako rito.

Nasa tagong karinderya kami ngayon at ang taong kausap ko ay ang nag-iisang taong hiningan ko ng tulong para humalungkat ng nakaraan.

"Heto na po ang lahat ng impormasyon na pinapahanap niyo." Sabay usog niya ng envelope na nakapatong sa mesa. Kinuha ko ito at binuksan.

"Totoo pong na ospital ang taong hinahanap niyo...pero hindi po tunay ang pagkamatay nito." Natigilan ako ng mabasa ang nasa record.

"Plastic Surgeon... ibig sabihin..."

"Yes ma'am, palabas lamang po ang lahat. Napag-alaman ko po na most wanted criminal ang taong yon at para matakasan lahat ng krimeng ginawa niya ay nagpaopera ito ng mukha para baguhin ang kanyang pagkakakilanlan."

"Ibig sabihin ay kasabwat nila ang ospital." Tumango ito.

Napakuyon ako ng aking kamao kasabay ng pagkalukot ng mga impormasyong hawak ko.

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOWhere stories live. Discover now