Chapter 70

1.1K 80 7
                                    

IZIAH POV...

Bigla nalang nag-aya si June na mag mall. Wala akong ideya kung bakit, pero napapansin ko na medyo uneasy siya nitong mga nakaraang araw.

Madalas tulala tapos dimo makausap ng maayos para bang wala sa sarili.

"San gustong pumunta? May gusto kabang bilhin? Like jewelry, clothes, shoes?" Bigla akong napaisip.

Lahat naman ng kailangan ko ay nasa bahay na niya hindi rin naman kasi siya mabadamot sa pagbibigay sakin ng kung ano-ano.

Kaya mas lalo akong naguguluhan sa mga natuklasan ko, dahil ibang-iba siya sa taong iniisip ng iba na minsan ay naiisip ko marin.

"Wala naman akong gustong bilhin. Ikaw ba?" Ngumiti ito bigla. Wala siyang sinagot sakin, pero basta niya nalang akong hinila sa kung saan.

"Akala ko mag-shopping? Anong ginagawa natin sa arcade?" Akala ko talaga may gusto siyang bilhin, di ako makapaniwala na dito niya pala gustong pumunta.

"Gusto ko lang maranasang maglaro." Hindi pa ba siya nakakapunta sa ganitong lugar. Well, unlike me, ay naranasan ko naman ng maglaro dito, but not every single day kapag natipuhan ko lang talaga.

"Okay." Kung hindi pa pala niya nararanasan ang maglaro sa lugar na to ay ipaparanas ko sakanya kung gaano kasaya dito.

Bumili muna kami ng tokens bago pumunta sa una naming game.

"What is this called?" Turo niya sa machine kung saan dapat mapanatili mo ang stuff toy sa claw para makuha mo yung price.

"Claw machine ang tawag dito. You just have to insert 2 coins, then move the claw to your target item, then press this hook button at magkakaron ka na ng chance to get the price you want." Aminin ko man o hindi ay medyo naku-cute-tan ako sa kanya dahil namamangha talaga siya habang ineexplain ko how this machine works.

"Can I try it, please??" Ngumiti ako dito at tumango.

"Sure." Para itong batang napatalon sa tuwa at mabilis na pumwesto sa claw machine.

"I want the cute little piggy over there." Tukoy niya kay pepa pig.

Sinundan niya lang ang turo ko kanina noong naitutok na niya ang claw ay pinindot niya naman ang hook button una ay nagrab niya ito pero nahulog din.

Nakalabi itong napatingin sakin habang ako naman ay nakatawa lang sakanya.

"Go, try it again."

"Okay." Pursigido itong tumango at inulit ang ginawa niya.

Ilang beses nahulog at pinaasa si June ng claw machine uyy, buti pa yung claw machine may pag-asang manalo di tulad sayo impossible~ char.

Makalipas ang ilang try at pag-rarant niya sakin ay nakakuha narin siya.

"YES! FINALLY I HAVE YOU!" Nakangiti lang akong umiling dito habang pinagmamasdan siyang yakap yakapin at pisilin si pepa pig. Kawawa naman.

Napakarami pa naming sinubukang laro hanggang sa tuluyan na siyang mapagod at naisipan ng kumain.

"Thank you for accompanying me. I never experienced the joy that I've experienced awhile ago."

"Never kapa bang nakapaglaro sa mga ganito?" Tumango ito bago isinubo ang kanyang salad.

"Yes, simula bata ako ay never kong naranasang maglaro salabas o sa kahit na kanino." Nalungkot naman ako.

Ganon din naman ako pero noong nag high school ako at nakilala ko si ruru (ruffa) ay nakakalabas labas nako at nakakapunta sa kahit na saan.

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon