CHAPTER 66

1.7K 96 21
                                    

SAVANNAH POV...

Kanina pa sana ako nasa office kung wala lang akong dinaanan sa book store.

Ibinili ko kasi ng libro ang anak ko. Kailangan niya yon sa isang subject kaya bago ako pumasok ay idinaan kuna.

Binagalan ko ang takbo ng kotse dahil nakita ko ang pigura ng pamilyar na tao.

Nakatayo siya sa gilid ng kalsada at tingin ko naghihintay siya ng jeep. She's carrying a brown paper bag habang may nakasukbit naman na bag sakaliwang balikat niya.

Pinarada ko ang kotse at bumusina. Natawa ako ng napatalon siya sa gulat at bwisit na napatingin sa kotse ko.

Di niya ako makikita dahil tinted ito.

Halata sa mukha niyang naiinis siya kaya minabuti ko ng ibaba ang bintana para pasakayin siya.

"Hop in Magpayo." Nagulat siya ng makita ako pero kalaunan ay nawala rin.

Why am I thinking that she's cute with her outfit even though she wears the same style every day. 

"M-ma'am Savannah, kayo pala yan." May gulat na tono ng boses niya.

"Let's go, we're getting late. You know you wouldn't receive incentives when you were late in your attendance." Panakot ko lang naman yon dahil may criteria naman kami don para malaman kung deserving ba ang empleyadong bigyan ng incentives or not.

"Sabi ko nga po." Pumasok siya sa kotse na siya namang ikinatuwa ng puso ko sa diko malamang dahilan.

Tahimik naming binagtas ang daan. Walang nagsasalita samin hanggang sa pinutol niya ang katahimikan.

"Nag almusal kana ba, ma'am?"

"Hmm." Sagot ko naman.

Kumain ako ngayon bago umalis. May natira pa kasing breakfast na inihanda ni yaya, kaya yun nalang ang kinain ko.

Most often, hindi talaga ako kumakain ng umaga, but pag gusto ko talaga at gutom ako doon ko na di pipigilan ang sarili ko na hindi kumain ng sobra.

"Sana all, ako kasi dipa."

She hasn't eaten yet. But she has to work until noon; that's 5 hours from now.

Hindi ko muna iniliko papunta sa opisina ang kotse bagkus ay tinungo ko ang lugar kung saan marami ang kainan.

"Ba't tayo nandito, ma'am?" Inirapan ko siya.

"I forgot; I haven't eaten my mirienda." Palusot ko at iniwan ko na siya sa loob.

-----------

IZIAH POV...

"Huh? Mirienda ng alas syete? Saang lupalop ng bansan galing itong si Sav at nagmimirienda ng ganitong oras."

Nakita ko siyang nakakunot ang noo habang nasa may tapat ng pinto ng resto, kaya bago pa siya mag alburuto ay lumabas nako ng pinto.

Pinagbuksan siya ng pinto ng guard at binati narin pati ako.

"Table for two po ba ma'am?" Tumango siya waitress at agad naman niya kaming binigyan ng upuan.

Siya ang may hawak ng menu, kaya diko manlang nakita kung ano bang siniserve nila rito.

Pagkatapos niyang mag-order ay umalis narin agad ang waiter.

Sana belong ako sa mirienda niya.

Habang naghihintay sa pagkain ay naisipan ko munang tanungin siya tungkol kay Azalea.

Gusto korin kasing malaman ang mga bagay na diko nakita noong lumalaki siya.

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOWhere stories live. Discover now