Chapter 26

1.3K 70 15
                                    

"Zi! Sh*t! Zi! "

Umiikot ang paningin ko.

Nanlalambot ang buong systema ko pero nakadilat parin ng bahagya ang mata ko.

Nakikita ko pa si Savannah na tinatawag ang pangalan ko pero hindi ko na maramdaman ang nangyayari sa paligid ko.

Basta ang alam ko lang ay nahimatay nako ng tuluyan.

Savannah POV

Sh*t mukhang nabigla ko yata siya.

Kagat kagat ko ang ibabang labi ko habang pinagmamasdan siya.

Wala siyang malay na nakahiga sa sofa.

Nakatayo narin ako para bigyan ng pwesto ang mga paa niya.

Okupado niya ang buong sofa kaya sa kabilang couch nalang ako umupo.

Mukhang nabigla nga talaga siya sa sinabi ko. Hindi ko naman inakala na mahihimatay siya.

Gusto ko lang namang iparating sakanya ang kalagayan ko, kung bakit hindi ako pumasok ng ilang linggo.

Nagpatay talaga ako ng phone dahil yun ang advice sakin ng doctor.

Ang magpahinga ng lubusan dahil hindi nalang ako ang nabubuhay sa katawan ko.

"Hmm.."

"Zi." Bulalas ko ng pangalan niya.

Umupo siya at sumandal sa sofa kung saan din siya mismo nahimatay.

"Anong nangyari?" Pagkusot niya ng mga mata.

Ngayon ko lang napansin na cute pala niya pagbagong gising.

"Uy"

"Yes?" medyo napalakas pa ang boses ko. Medyo nagulat kasi ako ng sundutin niya ang pisngi ko.

Umayos siya ng upo at kunot na yumuko para tignan ako.

"Ba't ka naman sa carpet umupo? Ang laki ng space dito oh." Palo niya sa sofa.

Natawa nalang ako, mukhang nakalimutan niyang nahimatay siya kaya ako nakaupo ngayon sa may carpet.

"Upo ka na dito." Tumalima naman ako agad.

Kunot parin ang noo niya habang nakatingin sa tv.

"Parang may nangyari kanina na diko alam kung ano. Ano ba yung nangyari?" Palihim nanaman akong natawa sa usal niya. Kinakausap niya ang sarili niya.

Ang cute lang tignan dahil makikita mo sa mukha niya ang pagkairita dahil hindi niya maalala ang mga nangyari kanina bago siya mahimatay, ni hindi niya nga talaga alam na nahimatay siya.

Gamit ang dalawang kamay ko ay hinawakan ko ang pisngi niya at gigil na pinisil ang mga ito.

Nakakagigil talaga ang pisngi niya. Gusto ko ngaring kagatin pero diko naman pwdeng gawin yon nakakahiya sakanya.

"Uruy mashaket." Maluha luha na ang mga mata niya kaya nagpasya nakong bitiwan ang pisngi niya.

"Ginawa mong kalamay ang pisngi ko." Nakalabi niyang usal habang minamasahe ang magkabila niyang pisngi.

"Sorry. Cute mo kasi masyado." Mabilis kong naitakip ang kamay ko sa bibig ko.

Ramdam ko ang pag-init ng pisngi habang siya naman ay nakangisi sakin. Tinago ko ang mukha ko sa palad ko dala ng kahihiyan.

Bakit ko ba sinabi yon. Nakakahiya!

Iziah POV

Namumula ang mukha ni Savannah.  Kahit anong tago niya sa mukha niya ay hindi niya parin maitago ang pamumula nito.

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOWhere stories live. Discover now