Chapter 6

240 10 9
                                    

"I'll cook dinner. Do you have any suggestions in mind?" Saru asked, scanning every corner of my living room.

Hindi sya pumayag na iwan ako agad. Talagang sumama pa sya sa akin sa condo. Kahit anong taboy ko sakanya ay hindi umuubra. Napagod na lang ako sa pagmamaldita kaya hinayaan ko na lang sya sa gusto nyang gawin.

Naka angat ang aking kilay habang pinagmamasdan syang nakatayo sa harap ko. I feel tired of giving him lectures and all. Sa huli ay pagod na lang akong sumalampak sa aking sofa.

"Hindi ka talaga aalis?" naiinip kong tanong.

Sinipat nya ako saglit at umiling. He looks snobbish and arrogant. Mas lalo akong naiinis. Hindi pa nakatulong ang gwapo nyang mukha. Bakit ba ang gwapo nya? Bakit hindi ko sya napapansin noon? Eh tangina mas gwapo pa sya kay Elias. May sira ba ang ulo ko at doon ako pumatol noon?

I sighed and massaged my temple.

Tumikhim si Saru bago lumuhod sa harap ko at saka ako tiningala. Nagtama ang tingin namin at nakita ko kung paano naging kalmado ang kanyang mga mata na palaging binabalot ng intensidad. Halos mahigit ko pa ang aking hininga dahil sa titig nyang nakakalunod, tila nawawala ako sa sarili.

Saru reached for my hands and gently caressed them. Tumitig sya roon at marahang hinaplos ang aking mga daliri. Para pa akong nakuryente sa hawak nya. Punyeta.

"Are you tired?" banayad nyang tanong.

I bit my lower lip and nodded.

Truth is, I'm sleepy. But I can't sleep because he's still here.

"Inaantok na 'ko..." bulong ko sakanya.

I've never been comfortable with him being so close to me, but this time it's different. I felt safe, and my mind is at peace. It's weird how his presence brings solitude to me.

Marahan nyang inabot ang aking pisngi at masugid na hinaplos iyon. Lumamlam ang tingin ko sakanya. Fuck shit. Halos magwala ang puso ko sa ginagawa nya.

"Sleep first, Liz. Gigisingin kita pagkatapos kong magluto ng hapunan. Go to your room," he said intently while looking at me with his snobbish eyes.

He looked too calm, like a tiger pleasing its owner. His serene demeanor masked an underlying intensity that made me wonder what he was truly capable of.

"Dito na lang ako matutulog. Cook fast so you can leave immediately..." saad ko at iniwas ang tingin sakanya.

Tumayo sya sa pagkakaluhod at pinanood akong ayusin ang mga throw pillow na aking hihigaan. Humiga ako roon at nakaharap sa kanyang direksyon.

Saru's lips curled slightly.

"Gisingin mo ako agad pagkatapos mo..." masungit kong sinabi.

I heard him chuckle in his baritone.

"Noted, ma'am," he said, his voice carrying a hint of seduction.

Napasinghap ako at kumunot ang noo sakanya. He simply raised his brow and turned his back on me, heading towards my kitchen.

Kumalabog ang dibdib ko at wala sa sarili ko iyong hinawakan. The harsh beats are making it hurt to breathe. I am truly damned.

Napailing ako bago yumakap sa isang throw pillow at mariin na pumikit. I didn't know if I still had stocks of food. Si Saru na ang bahala tutal ginusto nya naman 'yan.

Pinagkasya ko ang sarili sa aking mahabang sofa. Narinig ko pa ang tunog ng paghihiwa ni Saru sa may kitchen bago ako tuluyang nilamon ng antok.

Naalimpungatan ako nang may naramdaman akong humahaplos sa aking buhok at bumubulong malapit sa aking tainga. Pupungas-pungas akong nagmulat at bumungad sa akin ang malalim na tingin ni Saru.

Calmness of Sorrows Where stories live. Discover now