Chapter 10

227 15 19
                                    

Nagising ako sa mabangong amoy ng pagkain na niluluto sa kusina. Amoy na amoy iyon sa loob ng condo ko kaya ramdam na ramdam ko ang pagkalam ng sikmura. Bumangon agad ako para lumabas sa aking kwarto. Pipikit pikit pa at tamad na naghihikab. Hindi ko namalayan ang oras dahil pagkauwi namin ay dumiretso agad ako sa kwarto dahil sa antok at pagod.

I was still disoriented nang magtungo sa kusina. Naabutan ko roon si Saru na tahimik na nagluluto. He immediately sensed my presence because of how he directly gazed at me, as if he knew exactly where I was.

Sumilay ang ngiti sa kanyang mapupulang labi at saglit na ibinalik ang tingin sa niluluto.

Kanina ay nasa kwarto ko rin sya at abala sa kanyang laptop. Kaya pala wala na sya roon nang magising ako dahil abala na sya rito ngayon sa pagluluto ng aming hapunan. I should be the one doing that, but he really won't let me. Parang hindi sya pagod sa pag-aaral kung umakto. Mahirap ang kurso nya pero parati syang may oras pagdating sa'kin. How could he do that, right? Before, he was always stalking me. I don't even have an idea of how he manages his time. He's so chill, like nothing is ever hard for him.

"How's your sleep?" tanong ni Saru.

Hindi ko talaga matago ang ngisi kaya nagtungo na lang ako sa kinaroroonan nya. Mabuti at nakatalikod ito sa akin.

"Busog na ang mga mata ko sa pagtulog," biro ko.

I saw how his lips curled up in a sexy manner. Oh goodness, ano bang temptasyon ito?

"I cooked adobo for dinner," banayad nyang sabi at inilagay sa aking medium table ang nilutong ulam.

Napanguso ako nang makitang wala na akong maitutulong pa sakanya dahil pati juice, plates at utensils ay naka ready na.

He knows how to serve his queen, huh?

"Aren't you tired?" tanong ko nang itinuon nya sa’kin ang buong atensyon.

Umiling sya habang titig na titig sa mukha ko.

Na-conscious tuloy ako kaya sinimangutan ko sya. Hindi ko pa naman na-check kung may muta ba ako! Binura ko ang makeup kanina bago natulog kaya I probably look plain!

Saru tilted his head and raised his brow, a small, sexy smile plastered on his face.

"You're a beauty, and I'm a philocalist," he said, still staring intently at me.

Kumalabog ng malakas ang dibdib ko.

There's really something mysterious about his gaze. His eyes seem full of emotions when he looks at me. How can he be so transparent when he's with me? Ngunit hindi ko mapigilang mapakunot ang noo sa sinabi nya. Ano raw? Banat ba ‘yon? Bakit parang pang matalino lang? 

Umirap ako at naglakad palapit sakanya. Sinalubong nya agad ako ng yakap at halos magwala ang sistema ko sa kilig! Tangina. Punyeta, Lovize, tinamaan ka na ng lintik!

I felt his warmth, which gives me peace and solace. He can really cause chaos in my system, but he can also calm my raging thoughts in my head. Paano nya nagagawa 'yon? Bakit ang hirap nyang hindi magustuhan? He's very ideal and very consistent.

"Dito ka ba matutulog?" tanong ko.

Saru let out a playful chuckle before he kissed the top of my head.

"My parents are asking me to go home for tonight. Will you be fine alone?" he carefully asked.

A family-oriented guy will be the death of me. He's literally the whole forest, huh?

"Ayos lang ako dito. Just update me kung nakauwi ka na sainyo," mahina kong sabi.

He sighed and hugged me tightly. He's a clingy snobbish baby.

Calmness of Sorrows Where stories live. Discover now