Chapter 12

246 13 7
                                    

Nataranta ang buong sistema ko kaya mabilis kong binalingan ng tingin si Vernel.

"I'm sorry, pero kailangan ko nang umalis," bakas sa boses ko ang panginginig.

Lumamlam ang tingin nito sa akin bago tumango ng isang beses at nilisan na rin ang lugar na 'yon.

Huminga akong malalim bago naglakad-takbo patungo sa cafeteria. Nang namataan ko roon si Saru kasama si Yuno at Zie sa kanilang usual table ay bahagya akong nakahinga. Kapansin-pansin ang pagdilim ng kanyang awra na para bang hindi mo makakausap. Is he mad at me?

I swallowed hard bago nagpasyang magtungo sa kanilang lamesa.

"Saru," tawag ko rito ngunit hindi man lang ako binigyan ng pansin.

Kumirot ang puso ko kaya hinatak ko na lamang ang upuan sa tabi nya para doon umupo. Abala sila Yuno sa harap namin na seryosong nag-uusap. Ni hindi man din nila napansin ang pagdating ko. Ang nakakapagtaka pa ay hindi sila nagbabangayan ngayon ni Zie. As much as I want to know what's happening with the two of them, I'd rather explain what Saru saw earlier. Wala naman akong ginawang masama, pero tila ba nahuli ako sa isang krimen na aking pinagtataguan.

Tahimik si Saru at inaabala ang sarili sa kanyang libro. Hindi nya pa ginagalaw ang pagkain na in-order nya. Dalawang lunch meal 'yon at alam kong binili nya para sa akin ang isa.

Tumikhim ako at ngumuso. Abot-abot ang tahip ng puso ko sa kaba dahil sobrang seryoso nya ngayon. Hindi nya ako nililingon at mukhang determinado syang hindi ako pansinin!

"Hey," kinalabit ko sya.

Still no reaction. No reply. Para akong na-seen in person.

Inusog ko ang aking upuan hanggang magdikit ang aming mga upuan. Umusog din ako at halos humalik na ang aking pisngi sa kanyang balikat.

"Are you mad at me?" mahina kong bulong sakanya.

Hindi pa rin sya umimik at hindi talaga inalis ang kanyang atensyon sa kanyang binabasa. Hindi ko maiwasang malungkot. He really won't talk to me?

"Saru, please, let's talk?" I said, trying to get his attention.

He didn't bother glancing at me and just flipped to the next page of his book. Ah ganyan. Hindi mo talaga ako papansinin. Kung wala lang kami sa cafeteria ay baka kanina ko pa sya sinunggaban. Tangina. Hindi ako marunong manuyo!

My lips formed a smirk when I had an idea to finally shift his attention towards me.

"Just tell me if you're mad so I can do something about it, Rufus," I whispered, using my softest and sweetest tone.

He didn't budge, so I let my hand rest freely on his left thigh, causing him to freeze in his seat. Pinanood ko ang pagbabago ng kanyang ekspresyon, kitang-kita ko ang pagbigat ng kanyang paghinga at ang marahas na pagbaling sa akin.

Saru's eyes darkened, and his Adam's apple moved. He was clearly distracted by my mere touch.

"What are you doing?" matigas na tanong nya.

I raised my brow at him.

"Good. Now you're talking to me," I said calmly.

His jaw clenched. Hinawakan nya ang kanang kamay ko na namamahinga sa kanyang hita at marahas na inaalis iyon. Ngunit pinanatili ko lamang na mahigpit ang kapit ko roon.

"Damn. Stop it, Lilace," puno ng banta nyang saad.

Umirap ako.

Masyado syang apektado sa simpleng paghawak ko sakanya. Na didisgusto ba sya sa akin o ano? Dahil ba roon sa nasaksihan nya kanina? Eh tanga sya kung ganoon. Hindi ko mapigilang saktan ang sarili sa pagiisip kaya sa huli ako na mismo ang nagkalas ng hawak ko sakanya.

Calmness of Sorrows Where stories live. Discover now