Chapter 11

243 14 19
                                    

The next morning, I was stunned to see Zithea waiting for me in the school parking lot. She looked really, really angry. I could tell that her date last night didn't go well, just by looking at her expression.

"What happened to you?" bungad ko nang makalapit sakanya.

Suminghap sya at tipid na umiling.

"I don't want to talk about it," pagod nyang sinabi.

I didn't hide my concerned expression. I just sighed and looked at her, seeing how torn and mad she looked. Tila isang kalabit lang sakanya ay sasabog na sya.

"Nag-breakfast ka na ba?" tanong ko at hinila sya paalis doon.

Nanlalamig ang kamay nya na hawak ko, na syang ipinagtaka ko. Ganoon ba kalala ang naging date nya kagabi? I can sense her uneasiness and discomfort. Her anxiousness is making me worried.

"Wala akong gana," mahina nyang saad.

Napabuntong hininga ako at hindi na lang din umimik hanggang makarating kami sa library. Mamaya pa naman ang klase ko kaya masasamahan ko pa sya.

We looked for an empty table, and since it was still early, we freely chose the one farthest from the librarian's gaze.

"Ayos ka lang ba?" seryosong tanong ko habang pinagmamasdan syang natulala sa akin.

This is a rare sight indeed. Zithea losing her cool.

Mabigat syang bumuntong hininga at iniwas ang mga mata sa akin.

"My father wants me to marry the guy he set me up with last night, and it's very unwise," she said, her angry tone almost tangible.

Halos magdikit ang mga kilay ko. Bakit parang biglaan naman ang pagdedesisyon ni tito? What's with the rush?

"Akala ko ba date lang? Bakit naisipan na nyang ipakasal ka?" tanong ko, naguguluhan.

She smiled bitterly.

"Takot siguro sya sa ideyang susuwayin ko ang utos nya katulad ng ginagawa ni Zaneerah. But the heck with that... sinunod ko nga ang kagustuhan nyang hiwalayan ko si Priel kahit mahal na mahal ko yung tao. Ano pa bang gusto nya? Bakit kailangan nya pa akong itali sa taong hindi ko naman mahal? Hindi ko maintindihan," mahaba nyang pahayag, bahagya pang nanginig ang kanyang boses sa pagtakas ng ilang emosyon na pilit nyang itinatago sa akin.

Ang hirap naman pala. Kahit ilagay ko ang sarili ko sa posisyon ni Zie ay mas pipiliin ko pa ring maging masaya... mas mapapanatag ako kung maipaglalaban ko ang relasyon namin kahit sa pamilya ko pa. Mas pipiliin ko ang taong mahal ko. Makasarili man kung sabihin ng iba pero doon ako masaya, e, yung taong 'yon ang tumanggap sa akin ng buong-buo, kaya bakit ko sya bibitawan hindi ba? Bakit ko susukuan kung anong mayroon kami? But the thing is, Zithea and I are not the same. If she's the obedient daughter, then I'm her opposite, since I'll surely fight for my love and happiness, whatever it takes. I'll gladly bend the rules.

Gayunpaman naiintindihan ko rin kung bakit sunod-sunuran sya sa pamilya nya lalo na kay tito. Zithea is the eldest heiress of the Aceves clan, and she is expected to be with someone who is on her level. Sadly, even though Priel is a Villegas, he still won't make the cut.

"Ano bang nangyari sa date mo kagabi?" kuryoso kong tanong.

Naiintriga talaga ako doon sa guy, eh.

Suminghal si Zie at umirap sa ere. Attitude.

"He's the worst!" galit nyang anas, gigil na gigil.

Napangiwi ako.

"Ang oa naman mag-describe, Zie! First meeting niyo pa lang, ah? Halatang ayaw mo na ron sa tao," natatawa kong komento.

Calmness of Sorrows Where stories live. Discover now