Chapter 8

282 16 8
                                    

Tila nakahinga ako nang maluwag nang hindi nagpatuloy ang ulan ng hapon na iyon. Pabalik na sana ako sa condo dahil tapos na ang klase ko, ngunit bigla akong tinawagan ni Mommy. Pinapauwi niya ako sa bahay kaya wala akong nagawa kundi sumang-ayon, dahil ayoko namang guluhin na naman nila si White at Yarra sa kanilang lakad.

Mom has been suspicious ever since she asked me to bring Yarra to our house last time. Pagkatapos ng dinner na iyon, bihira nang tumambay si Yarra sa bahay at palagi na lang silang may lakad ni White. It was strange, but I didn't confront my mother about it. However, I know for sure that she did something unnecessary that made Yarra uncomfortable in our house.

Pagod akong pumasok sa aming bahay. Naabutan kong nanonood si Daddy ng television sa sala.

"Dad! Anong oras po kayo dumating?" lumapit ako sakanya para humalik sa kanyang pisngi.

Ang seryosong mukha ni Daddy ay napalitan ng galak nang makita nya ako.

"We arrived in the afternoon, Lilace. How's school? You look exhausted," Daddy said.

Sumimangot ako at umupo sa tabi nya. Ipinahinga ko ang aking ulo sa kanyang balikat at marahan nya namang hinaplos iyon.

"I'm so tired, Dy. Ang daming ginagawa sa school! I barely sleep!" anas ko.

Daddy chuckled.

"Then you should take a nap first. Magluluto pa lang naman ang mommy mo ng dinner. Matagal pa 'yon," saad nya.

Tumango naman ako. I really think I need a short nap. Dahil parang kahit anong oras ay bibigay na lang ang katawan ko sa kakulangan ng sapat na pahinga.

"Where's Mommy anyway?" I asked, unable to hear any noise from the kitchen.

Iginala ko ang paningin sa loob ng bahay at sa isang linggong hindi pag-uwi dito ay bahagya akong nakaramdam ng ginhawa.

"Pauwi na sila. Nag-grocery lang saglit kasama ang Tita Raya mo," sagot ni Daddy.

I gasped.

"Oh my! Nandito si Tita Raya, Dad? How about Rara? Hindi ba bibisita sila Tita Akira? I already miss Yish..." sunod-sunod kong tanong.

There's no doubt I already miss my cousins. The Firmezas are actually from the Metro. Tanging sila lang ang malapit namin na kamaganak. Sa mga Firmeza si White lang ang natatanging lalaki. Habang tatlo naman kaming babae.

"May klase pa ang mga pinsan niyo kaya sa bakasyon na sila bibisita rito. Si Tita Raya mo lang ang bumisita sa ngayon," si Daddy.

Ngumuso ako. Sayang naman. Maipapakilala ko na sana sila kela Yarra.

"Ganoon po ba? Akyat muna ako sa kwarto ko, Dad," paalam ko sa ama bago sya iniwan doon.

Nagpalit muna ako ng damit bago ko ibinagsak ang katawan sa aking kama. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kisame at bahagyang matulala. I feel tired and sleepy, yet my mind won't let me sleep. It's so annoying.

Tumunog ang cellphone na nasa tabi ko. Kunot noo kong tinitigan iyon nang mag-flash ang isang unregistered number. Kung hindi ako nagkakamali ay ito yung tumatawag sa akin noong nakaraan.

Stalker ko ba ang may ari ng number na 'to o kidnapper? Napangiwi ako sa naisip. I'm thinking nonsense.

Inabot ko ang phone nang namatay ang tawag. I typed my password bago tinignan ang mga mensahe na ipinadala ng unregistered number na kumukulit sa'kin noong nakaraan pa.

Unregistered Number:
Where are you?

Nalukot ang mukha ko nang mabasa iyon. The fuck? Magtitipa na sana ako ng reply ngunit may dumating ulit na mensahe na lalong nagpairita sa akin.

Calmness of Sorrows Where stories live. Discover now