Chapter 7

232 10 9
                                    

I always like it when it's raining because it brings comfort and solace within me. But I didn't expect that only one person would make me hate it too. I hated it because it always reminds me of him. The memories of yesterday feel like a bittersweet burden I keep on carrying to survive.

"You're spacing out again, Vizz," Zaneerah's voice snapped me back to reality as she waved her hand in front of me.

Nahihiya akong ngumiti at dinaan na lang sa irap ang mga agam-agam ko.

"Don't tell me si Elias na naman ang iniisip mo at kung paano ka makakaganti sakanya," akusa nya.

Wala pa man akong sinasabi ay gumawa na agad ng kongklusyon ang isang 'to. Ni wala nga sa isip ko ang gagong iyon. Na okupa ng pinsan nya ang utak ko kaya paano ko maiisip ang pagganti?

I wanted to voice out what I'm saying in my mind, but in the end, I just kept my mouth shut. Nah, it's not a good idea to tell Zaneerah about Saru. Advance pa naman ding mag-isip ang isang 'to, mahirap na.

"Should I just kill him instead?" walang gana kong saad.

Madrama namang napasinghap si Zaneerah at nanlalaki ang matang pinandilatan ako.

"Kailan? Isama mo na rin yung best friend nyang si Cleiron, para hanggang afterlife magkasama pa rin sila..." natatawa nyang mungkahi.

Napakurap ako at napailing sakanya.

Akala ko pa naman ay pagagalitan ako. At talaga namang mainit pa rin ang dugo nya kay Cleiron. Sabagay sino ba naman ang hindi magagalit sa gagong magkaibigan na 'yon.

"But seriously I'm trying to befriend Zabdiel kaya. Sa tingin mo ba bagay kami?" tanong nya.

Tumaas pa ang kilay nito, tila pinapahiwatig na sumangayon ako sa sinabi nya.

I smirked at her and shook my head in disagreement. Zaneerah rolled her eyes at me and crossed her arms.

"You're nakakainis talaga minsan, Vizz! You think hindi kami bagay?!" malakas na boses na tanong nya.

Inirapan ko sya at matunog na umismid.

"Obvious naman ang sagot ko, Aceves. Hindi kayo bagay!" sagot ko para matahimik na sya.

Ngumuso lang sya sa akin.

"Hindi rin kayo bagay ni Jin," ganti nya.

Nginisihan ko lang sya na lalong kinalukot ng mukha nya.

Af if I care kung bagay kami ni Vernel o hindi. Eh hindi ko naman gusto ang isang 'yon. Mas strict pa ata 'yon sa mga ninuno ko, eh. Hindi man lang marunong ngumiti. Mas gusto ko yung mga tipong stalker... yung sa akin lang nababaliw.

"Why are you smiling like an idiot?!" tawag pansin sa akin ni Zaneerah.

Kaagad nabura ang ngiti ko at sinamaan sya ng tingin. Napaka chismosa talaga! Nang-aasar ang tingin nya habang nasa akin ang kuryosong mga mata. Malisyosa rin ang isang 'to, eh.

"Can I crash in your condo later? Let's watch movies!" she exclaimed.

Natigilan ako. Shit. Hindi sya pwedeng pumunta sa condo!

I said a bit louder than my usual tone, "You stay in your own, Aceves!"

Lumiwanag ang mukha nya at binalot ng pagtataka. Nalintikan na.

"Ang oa mo naman magreact, Vizz! Akala mo naman may tinatago kang lalaki sa condo mo!" saad nya.

Napapikit ako sa katangahan. Punyeta! Masyado yata akong halata. Damn, Lilace. Act fool! Mabibisto tayo agad nyan. Hindi pa sya pwedeng pumunta sa condo ko dahil doon ko iniwan si Saru kanina. Baka naroon pa 'yon at maabutan pa sya ni Zaneerah. Ayaw ko pa namang inuusisa ako.

Calmness of Sorrows Where stories live. Discover now