Chapter One

136K 1.4K 81
                                    

Chapter 1

Nanlalamig ang mga kamay niya habang tinutunton ang hallway papuntang opisina ng lalaking kinamuhian niya sa loob ng limang taon. Pero ngayon, narito siya, ibababa niya ang pride at kakalimutan ang galit para sa anak niya. Kung meron lang sana siyang ibang mahingian ng tulong, hindi niya itatapak ang mga paa niya sa lugar na ito. Kaso wala, wala na maliban kay Troy Montereal, the father of her child.

Nang makarating siya sa opisina ay agad siyang nagtanong sa secretary nito.

"Excuse me. Nandiyan ba si Troy Montereal?" Nakangiti kahit kinakabahan na tanong niya sa sekretarya.

Nag-angat ito ng mukha at nakataas ang kilay na sinipat siya ng mabuti. Nasa mukha nito ang pagka disgusto. Hindi niya ito masisisi. Sino ba naman ang hindi magtataka kung may maghahanap sa napaka yaman mong boss na naka sout lang ng faded jeans at maluwang na t-shirt. Wala na kasi siyang oras para mag-ayos pa.

"Well, Miss if you don't mind, Mr Montereal is a very busy person at kung gusto mong mag solicit ng tulong, ako na lang ang mag-aasikaso sayo." Sabi nito sa kanya na may halo pang pang-iinsulto. Akala niya sa mga fiction stories lang makikita ang mga sekretarya katulad ng nasa harap niya pati pala sa totoong buhay, nag-e-exist sila?

Kagagaling lang niya sa kapilya ng Hospital kaya pinigilan niya ang sariling patulan ito. Ang maka-usap si Troy ang kanyang ipinunta at hindi ang pumatol sa secretaryang mukhang walang alam sa tinatawag na code of ethics at preamble ng trabaho nito.

"He knows me." Pinilit pa rin niyang kumalma.

Tinaasan siya nito ng kilay. "Do you think maniniwala ako sa mga ganyan? That trick were used a lot of times here so leave. Ako ang mapapagalitan kapag naabutan ka ni Sir Troy dito."

"Nagsasabi ako ng totoo, Miss. Sabihin mo sa kanya na nandito ako, si Herian Alejo kamo."

"I guess, fifteen minutes of catering what you need is enough. Marami pa akong gagawin, Miss."

"I don't care if you won't believe me pero kailangan ko talaga siyang maka-usap ngayon. Sabihin mo sa kanyang gusto ko siyang maka---"Hindi niya naituloy ang iba pang sasabihin dahil bigla na lamang bumukas ang pintuan sa gilid at iniluwa niyon ang isang napakakisig at puno ng awtoridad na lalaki.

"Miss Consolacion, I'm going to a very important meeting, cancel all my appointments for the whole day." Bungad nito paglabas ng opisina. Tiningnan lang siya nito saglit pagkatapos ay deritsong naglakad papuntang elevator.

Nang sumara na ang elevator ay napahiyang tumingin siya sa sekretarya nito na nakatingin din sa kanya na parang gustong iparating sa na, "See? Alam kong nagsisinungaling ka lang. Kilala mo siya pero hindi ka niya kilala." inismiran lang siya nito bago nagpatuloy sa ginagawa.

Laglag ang balikat na dahan dahan siyang naglakad. Gusto na niyang umiyak nang mga sandaling iyon. Si Troy na lang ang tangi niyang pag-asa pero mukhang mabibigo pa siya. Ano na lang ang gagawin niya? Wala na talaga siyang ibang naiisip na paraan. Si Troy lang ang natatanging kadugo ng anak niya na maaaring makatulong dito. Kung may milyon lang siya, iikutin niya ang buong mundo, makahanap lang ng bone marrow na magma-match sa bone marrow ng anak niya pero, wala, wala siyang milyon. Problema na nga niya kung saan hahagilapin ang panggastos nilang mag-ina dahil ubos na ang naipon niya sa chemotheraphy ng anak.

Marahil, dahil sa lumilipad na naman ang isip niya ay hindi niya namalayang bumukas na pala ang elevator. Para lang siyang tuod na nakatayo pa rin sa harap niyon. Hindi niya tuloy nakita kung sino ang lumabas mula doon at pumasok sa opisina.

"Miss Alejo?, Pumasok ka na raw sa loob." Nagulat pa siya nang biglang magsalita sa likod niya ang sekretarya ni Troy.

"Ha?"

The Father of my ChildМесто, где живут истории. Откройте их для себя