YFMC2 Chapter One

23.9K 210 3
                                    

Chapter One

“Hey, Babe! Wake up, baby, wake up. Want to see your eyes open to see me first thing this morning. Hey, babe. Wake up, wake up.” Is she dreaming or she really heard someone singing? “Hey, Babe, wake up, wake up.” Wala sa tono ang kanta at hindi kagandahan ang boses ng kumakanta pero gusto niyang pakinggan.

She decided to slowly open her eyes and see Troy looking at her, singing. Ito pala ang kumakanta na wala sa tono at panget ang boses. Ang sama naman niyang asawa.

“Morning.” Mahinang bati niya rito bago sumiksik sa leeg nito. Ang sarap kasi ng feeling kapag dikit na dikit ang katawan mo sa lalaking pinakamamahal mo. Ang korny, right? Pero it’s one of best moments kapag may asawa ka na.

“Wala bang morning kiss?” Hinapit siya nito palapit at hinalikan ang buhok niya sa ulo. Alangan namang sa baba di’ba?

“Hindi pa ako nakapagmumog, mabaho pa hininga ko. Amoy laway pa ako.”

“It’s okay. Laway naman nating dalawa yan nag-naghalo eh.” He chuckled.

Kinurot niya ito sa tagiliran. “Maloko ka talaga.” Even they did that “do” for how many times, hindi pa rin niya mapigilang mag blush kapag naalala niya. Ganun nga siguro ang pakiramdam kapag ginagawa mo yun with the man you truly love, feeling mo, virgin ka always.

“I love you.” Bulong nito sabay kagat sa tenga niya. “I love you and I will always love you because I love you and I can’t stop loving you for you are the woman that I truly love.” Kinilig siya kahit nosebleed ang ilong niya sa mala tongue twister nitong sinabi.

Umalis siya sa pagkakasiksik sa leeg nito and placed herself on his top. “Mahal kita na mahal kita dahil mahal kita at ikaw lang ang mamahalin ko dahil ikaw lang ang mahal ko kaya mamahalin kita hanggang sa huling hininga ko, Troy.” Kahit ilang beses pa niyang sabihin rito na mahal niya ito, hinding-hindi siya magsasawa.

He smiled at her showing his pearly white and complete set of teeth. Nasabi na ba niyang pwedeng maging model ng toothpaste ang asawa niya dahil sa sobrang ganda ng ngipin nito? Niyakap siya nito at nanatili lang sila sa ganoong posisyon.

“May pagkain ba sa baba? Nagugutom  ako bigla.” Maya-maya’y sabi niya.

“Why look for food downstairs? Nandito naman ako sa tabi mo. You can eat me, Babe. It will be my greatest pleasure.”

“Tumigil ka nga diyan, Troy. Nagugutom na talaga ako, seryoso.” Bumitaw siya ng yakap dito at kinuha ang kumot para itapis sa sarili. “Ano? Hindi ka pa babangon diyan?” Tanong niya rito nang malingunang bumalik ito sa pagtulog.

“Mauna ka na. I don’t feel like doing anything today. I’m exhausted.” Nakapikit pa rin na sagot nito.

“Ay? Tinulugan ka ng asawa mo, Herian?Naku, kung ako ang nasa posisyon mo, hindi ko siya bibigyan ng oras na makapgpahinga” Nang-iinsultongumariba na naman ang manyak niyang isip.

Napangiti siya bigla. Bakit nga ba hindi? Kapag ba asawa mo na ang isang tao ay wala ka nang karapatang landiin siya? And so, isang bright idea ang umilaw sa utak niya. “Ay? Pagod ka na pala? Ayaw mo na akong kasabay maligo? Sige.” Marahan siyang naglakad  papasok ng banyo.

“Wait!” Mabilis itong bumaba ng kama at lumapit sa kanya. “Nagutom na rin ako bigla. Let’s take a bath  together, Babe.” Sabi nito bago siya kinarga papasok.

“Ano ba, Troy. Ibaba mo ako.” Kunwaring reklamo niya pero humigpit naman ang yakap niya sa leeg nito.

“I’ll scrub you and vice versa.” Iyon lang at puro tili na niya ang maririnig mula sa loob ng banyo.

The Father of my ChildHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin