Chapter 4 ( Convivencia )

59.7K 691 21
                                    

Chapter Four

Hindi niya alam kung ano ang dapat na maging reaksyon niya sa mga sinabi nito. Hanggang sa nang magpaalam na ito ay wala pa rin siyang imik. Tumango lang siya nang magpaalam na ito. Kung nasaktan at naghirap si Troy, paano pa kaya siya na walang isa man na masasandalan? Wala siyang mapagsabihan ng sakit na naramdaman niya sa tuwing naalala niya na niloko lang pala siya ni Troy. Wala siyang mayayakap sa tuwing nalulungkot at nakakaramdam siya ng pangungulila. Pero lahat ng iyon ay sinisimulan na niyang kalimutan ngayon. Ituturing na lang niyang isang masamang panaginip ang nagyari sa nakaraan, para sa anak niya.

Ilang oras nang nakaalis ang mama ni Troy pero nanatili pa rin siyang nakatulala sa sala. Wala namang pumapasok sa utak, basta lang siyang nakamata sa isang painting dun salas.

"Humanda ka pagdating ko dahil papagurin kita!"

Biglang napatayo nang maaala ang sinabing iyon ni Troy. Para siyang string na biglang tumalsik sa kinauupuan. Parang may sariling utak ang lahat ng parte ng katawan niya at nagco-coordinate ang mga ito. May teamwork in other word. Agad siyang pumasok sa banyo at nagbabad sa bath tub. Kinuskos rin niya ang halos lahat ng kasingit-singitan niya, tanggal lahat ng dead skin niya sa katawan, pangilod na bato ba naman ang gamit niya. Bigla niyang nakalimutan ang dramang nagyari kanina-kanina na lang dahil sa na occupy na ng salitang "PAGURAN" ang utak niya.

Inabot din siguro ng isang oras mahigit sa banyo. Sinigurado niyang mabangong-mabango bago lumabas ng kwarto. At dahil sa wala naman siyang kasama ay nakatapis lang siyang lumabas sa ng banyo. Pakanta-kanta pa siya ng This girl is on fire. Wala lang, basta na lang siyang napakanta.

"Gusto mo bang ma rape na lang basta-basta?"

"Ahhhh!" Agad niyang dinampot ang vase sa gilid at akmang ibabato sa kung sino man ang basta na lang nagsalita pero natigilan siya nang makilala kung sino ito. "T-Troy??" Gulat na gulat na tanong niya. Hindi niya inaasahan na narito na ito.

"Ganyan ka ba talaga maligo? Ngayon ko lang nalaman na nakatapis ka lang palang lumalabas ng banyo pagkatapos mong maligo. Dapat pala umuuwi ako dito kapag oras na paliligo mo." Tiningnan siya nito ng mula ulo hanggang paa. She crossed her arms in front of her breast. Para na kasi siyang hinuhubaran nito habanag tinitingnan siya. Na curious tuloy siya kung sexy ba siyang tingnan kung nakatapis lang.

"B-Bakit nandito ka na? Sinong nagbabantay kay Angelo sa Hospital? Huwag mong sabihing iniwan mo ang anak natin na walang may nagbabantay?"

"Kalma lang, Herian. Umuwi lang naman ako para tuparin ang sinabi ko kanina." Nag-aakit nitong sabi sa kanya na nagsimula nang humakbang palapit sa kanya. Napaatras tuloy siya hanggang sa napaupo na siya sa kama. At ayan naman, abnormal na naman ang tibok ng puso niya, parang tinatambol ng malakas. " Ano pa ang ginagawa mo? Magbihis ka na." Sabi nito na nakatingin sa paper bag ng negligee kanina na pinasok niya sa kwarto bago maligo.

"A-Ano???" Natataranta niyang sagot dito.

"I said.... Magbihis ka na.." He pushed her slowly enough para mapahiga siya sa kama.

"Bakit pa magbibihis? Pwedeng deritso na kaagad?" Gusto sana niyang itanong.

"H-Ha? Troy!" Sigaw niya ng bigla na lang siya nitong pagtawanan

"Hahahaha! Ano ba ang iniisip mo, Herian?" Humalakak ito nang humalakhak. Siya naman ay nagunot ang noo.

Err. Bakit ito tumatawa? Nakakatawa ba ang itsura niya?

"Bakit ka tumatawa ha? Mukha ba akong nakakatawa?" Sikmat niya rito. Bumangon siya at tinungo ang lagayan ng damit niya. " Tabi!" Inis na sigaw niya rito.

"Wala pa naman kasi akong ginagawa sayo pero kung maka-sigaw ka, akala mo......Hahaha" Tumawa ito ulit. Siya naman ay biglang nag-init ang mukha. " Ahhh, Still thinking about what I said earlier, huh? Well, I'm dead serious about that." Tumigil ito sa pagtawa at lumapit sa kanya. Niyakap siya nito mula sa likod at ipinatong sa balikat niya ang ulo nito.

The Father of my ChildWhere stories live. Discover now