Chapter 2

74.7K 1K 86
                                    

Chapter Two

"Don't bring all your things. Ang mga mahahalagang papeles na lang ang dalhin mo." Sabi nito bago siya bumaba ng kotse. He accompanied her to fetch their things para makalipat na sila sa bahay nito. Gusto niyang salungatin ang gusto nitong mangyari pero may kung anong pwersa na pumipilit sa kanya na sumunod na lang sa agos ng pangyayari.

"Hindi ko naman talaga dadalhin lahat. Sandali lang naman kami doon diba? Uuwi din kami rito kapag magaling na si Angelo." Anya na bumaba na ng sasakyan.

"Do you think hahayaan kong mapalayo pa sa akin ang anak ko? You've taken away those five years na dapat kasama ko siya, na dapat tinuturuan ko siyang maglakad, maglaro at matutuong magbasa. That will never happens." Sabi nito na nagpatigil ng kanyang boung sistema. Magtatalo na naman ba sila? Ano ang ibig nitong sabihin? Kukunin nito sa kanya ang anak nila, ilalayo din sa kanya? No! hindi siya makakapayag.

"Anong ibig mong sabihin? Ilalayo mo ang anak ko sa akin? Ang sabi mo kanina hanggang sa gumaling lang si Angelo? Kung iyon din lang naman ang magiging kapalit mabuti pang huwag mo nag ituloy ang pagtulong sa amin." Aniya.

"At ano ang gagawin mo? Lalayo ulit, hahayang magdusa ang bata sa sakit nito para hindi lang malayo sayo? Come on, Herian maging practical tayo ngayon. What I'm saying is, if we need to act like friends, then gawin natin for the sake of Angelo."

"Lolokohin natin ang bata? Hindi ko magagawa ang gusto mo. Mas masasaktan lang siya kapag nalaman niyang temporary lang ang lahat."

"Can we just talked about this later? Look, pagod ako sa opisina ngayon at madami pa akong tatapusing trabaho. Makapaghihintay naman siguro iyan, diba? And besides it's about our son, we need to give more time about that."

Hindi na siya sumagot. Mukha na nga itong pagod na pagod. At hindi naman siya ang tipo ng taong mamimilit para lang masunod ang gusto niya. Kaya tiningnan niya lang ito tsaka pumasok na sa loob. Birth certificate lang ng anak at ilang mga importanteng dokumento ang dinala niya. Nagdala na din siya ng ilang pirasong damit nila.

Agad na silang dumeritso sa bahay nito, condo to be exact. She thought sa bahay pa rin ng mga Fuentebella ito nakatira. Pero mas maganda na rin na sa condo sila nito titira. Hindi pa siya handang makaharap muli ang pamilya nito.

"Dalawa lang ang kwarto dito. May kusina din kaya pwede kang magluto anytime you want." Sabi nito habang binubuksan ng pintuan unit nito.

Boung top floor ang inukupa nito kaya medyo tahimik at walang gaanong tao. Napanganga siya ng makapasok na sa loob. Halos lahat ng nakikita niya ay mamahalin, kulang na lagyan ng paalala na " Mahal ang presyo namin, mag-ingat sa kilos mo" Everything shows how rich is Troy Montereal. Ano pa nga ba ang aasahan mo sa tagapagmana ng pinakamalaking Construction Company sa bansa.

"This will be Angelo's room. Pwede mo nang ilagay ang lahat ng gamit niya dito." Sabi nito habang ituro sa kanya ang kawartong nasa kanang bahagi. Binuksan nito ang pinto para ipakita sa kanya ang loob. Walang masyadong gamit maliban sa isang cabinet at T.V kaya agad niyang naisip na iyon marahil ang guest room ng bahay.

"Maganda at maluwag naman siya. Kasya naman siguro kami rito sa kama." Aniya habang inilalapag ang mga dalahin.

"Si Angelo lang mag-isa rito. Doon ka sa kabilang kwarto matutulog."

"Hindi ba dalawa lang ang kwarto dito? Paano iyan? Kung mag-isa lang dito si Angelo, at doon naman ako sa kabila, Saan ka matutulog?" Tanong niya na itinuro pa ang dalawang kwarto.

"Of course sa kawarto kung saan ka matutulog. Alangan namang sa sahig o sofa mo ako patutulugin." Anito na sumandig sa mesang nasa malapit. Halatang pimipilit nitong hindi matawa, siguro dahil sa reaksyon niyang nanlalaki ang mata.

The Father of my ChildWhere stories live. Discover now