Chapter Ten (part one)

33.8K 341 16
                                    

Chapter Ten

"Dahan-dahan lang." Sabi niya sa nurse na naga-assist kay Angelo papasok sa condo. Pinayagan na kasi sila ng Doctor na iuwi ito since stable na ang condition nito at  may sarili namang nurse na mag-aalaga. Isang buwan din itong nanatili sa ospital bago sila nakauwi. "O, tingnan niyo muna yung unahan baka mabangga at mabagok ang ulo ng anak ko."

"Kalma lang, Herian. Alam na nila kung ano ang dapat nilang gawin kaya will you just relax? Ang ingay ng bibig mo." Natatawang sabi sa kanya ni Troy na tulad niya ay nakasunod lang sa wheelchair na kinalalagyan ni Angelo.

"Naku, ganyan talaga ang babaeng yan kapag nate-tensyon. Parang manok na putak nang putak. Sarap ngang tapalan ng duct tape ang bunganga eh. nakakasira ng eardrums." Segunda naman ni Jasmin na kasama nila sa paglabas kay Angelo sa Hospital.  Haters niya ba ang dalawang ito at lagi na siyang pinagtutulungan?

"Kayo ang tumigil diyan. Hindi natin alam ang pwedeng mangyari, paano na lang kung matapilok ang Nurse na tumutulak sa anak ko? Tapos mabitiwan niya? At dumeritso yung wheelchair dun sa kusina? Tapos mababangga niya ang lagayan ng mga kutsilyo at maglalaglagan at-------------"  Hindi na niya naituloy ang sasbihin dahil tinakpan na ni Troy ang bibig niya sabay akbay sa kanya.

"Ano ka ba, Herian? Walang mangyayaring masama sa anak natin, baka sayo meron, kapag tumaas na lang bigla yang blood pressure mo at bigla ka na lang matumba. Baka gusto mong ikaw naman ang pumalit sa hospital bed ni Angelo?. So, Can you please stop thinking any negative stuff?"

"Pag ang babaeng yan natumba, hindi ko siya tutulungan." Ang sarap batuhin ng kaibigan niya, kaibigan ni ba talaga to?

Hindi na lang siya umimik. Alam naman kasi niyang matatalo lang din siya kontra sa dalawa. Hindi niya alam kung bakit magkasundo ang dalawang ito sa pang-aasar sa kanya. Lagi na siya nila pinagtatawanan at mag-aapiran pa pagkatapos. Hanggang ngayon hindi pa rin niya alam kung bakit bigla na lang nagbago si Troy. Basta ang alam niya, nagsimula iyon noong nanggaling ito sa Davao. At iyon ang aalamin niya.

Sumunod na lang siya sa nurse na nag-aasist sa anak niya. Tumulong na lang siya sa pagbubuhat rito papunta sa kama. Ang sarap ng pakiramdam niyang alam niyang ligtas na ito at wala nang pangambang bigla na lang itong mawawala sa kanya. Wala na siyang problema maliban sa kung ano ang mangyayari sa sitwasyon nila ngayon. Hindi naman pwedeng dito na lang sila manatili sa bahay ni Troy. Pero alam niyang hindi ito papayag na mapahiwalay ito kay Angelo. Arrghhh. Sumasakit ang ulo sa tuwing iniisip niya iyon.

"Ma'am, okay na po. Kung may problema po kayo, tumawag na lang po kayo sa Ospital para makapagpadala kami ng tulong kung sakali." Untag sa kanya ng Nurse.

"Don't worry about that, we'll inform you kung magkakaroon man ng problema." Hindi na siya nakasagot dahil si Troy na ang gumawa niyon para sa kanya. Hindi niya namalayang nakasunod na pala ito kasama si Jasmin na may subo-subo pang lollipop, Parang bata talaga ang kaibigan niyang yan, nagtataka tuloy siya kung bakit nakakatagal ang boyfriend nito dito.

"Mabuti po kung ganun. Paano po, mauna na po ako." Paalam ng Nurse. Inabutan ito ni Troy ng ilang lilibuhin bilang pasasalamat sa paghatid nito sa anak nila.

"Hoy, Herian. Hatid ko na muna tong si Mr. Nurse. At magluluto na lang din ako ng sopas para sa inaanak ko." Paalam ni Jasmin. Tumango lang siya rito bilang pagpayag.

Nang makaalis na ang Nurse at ang kaibigan ay agad niyang nilapitan ang Anak. Kahit okay na ito, namumutla pa rin ang itsura kaya hindi pa siya gaanong napapanatag. Pero naiibsan din kapag naala niyang ligtas na ito sa peligro.

"May masakit ba sayo, Baby?" Hinalikan niya ang noo nito.

"Wala naman po, Ma. Pero  mahapdi po ang dito ko" Inabot nito sa kanya ang kamay na pinagtusukan ng dextrose. Naawa niyang hinaplos at hinalikan ang kamay nito. Kahit iyon man ang magagawa niya para maibsan ang hapdi niyon.

"Okay na ba? Wala na ba ang sakit?" Pagkakuway tanong niya rito. "Kapag sumakit ulit sabihin mo lang kaya Mama, okay?"

"Opo. Ang galing-galing po talaga ng kiss niyo mama. Parang biogesic." Humagikhik ito pero bigla ding napangiwi, sumakit siguro ulit ang kamay nito. Hinalikan niya ulit ang kamay nito.

"Sabi sayo kiss ko lang ang pinaka mabisang gamot sa kahit anong sakit na mararamdam di'ba?"

"Opo. Ang galing mo po, Ma."

Parang hinaplos ang puso niya nang makita niyang ngumiti ito.

"Ako din, Babe. Masakit din dito ko. Kiss it to ease the pain please." Nagulat pa siya nang bigla na lang umupo sa tabi niya si Troy at inginuso sa kanya ang labi nito. And for Kamote's sake! Bakit Babe ang tawag nito sa kanya!? Bigla siyang na-awkward sa tinawag nito sa kanya.

Kinurot niya ang tagiliran nito.

"Aray naman, Babe! Bakit ka nangungurot? Masakit na nga 'tong labi ko, dinagdagan mo pa." Napangiwi ito habang hinihimas ang tagilran nitong kinurot niya." Halikan mo din 'tong tagiliran ko."

Ang sarap na talagang batukan ang lalaking ito kung hindi lang nakaharap ang anak nila. Syempre ayaw niyang makita ng anak niyang nag-aaway silang dalawa ng Ama nito. Ano na naman bang panis ang nakain nito at kahit nasa harap sila ng bata ay nilalandi siya nito? At yun nga! Tinatawag pa siya nitong BABE! Hindi siya komportableng tinatawag siya nito ng ganoon.

"Tumigil ka diyan, Troy. Hindi ka na nahiya sa anak mo. Humanda ka talaga sa akin mamaya." Naiinis niyang bulong rito tsaka ngumiti sa anak nilang nakamata sa kanila.

"Ano na naman ba ang ginawa ko, Babe? What can I do kung sumasakit talaga ang labi ko at halik mo lang ang makakatanggal ng sakit nito?" Ganting bulong nito sa kanya.

"Masakit ba nang sobra Papa?" Singit na tanong sa kanila ni Angelo. Sabay pa silang napabaling ng tingin rito. Mukhang hindi niya gusto ang mga susunod na mangyayari.

Tumayo si Troy sa tabi niya at umupo ito sa kabilang panig ng kama.

"Masakit dito ng Papa mo." Para itong batang nag pout pa sa anak. " Lalo ngang sumasakit kasi hindi pa kiniss ng mama mo. Ayaw niya yatang gumaling ang lips ko." Napantig ang tenga niya sa narinig. Sabi na nga ba at hindi niya magugustuhan ang mga susunod na mangyayari eh. Pinandilatan niya ito ng mata but He just ignored her. Humanda talaga ang lalaking ito mamaya.

"Kiss mo na po Ma para gumaling na din katulad ng kamay ko ang mouth ni Papa. "

What? Sure! Why not?   I mean, NO WAY!  Ano na ba tong iniisip niya.

Tumayo siya sa kama at tumayo malapit kay Troy. Ipinatong niya ang dalawang kamay niya sa balikat nito at madiin niyang pinisil. Narinig niyang na aray ito.

"Kasi alam mo, Gelo. Wala naman talagang masakit dito sa Papa mo. Tingnan mo at  ang lakas-lakas niya." Sinuntok niya ang likod nito. Pero naman gaanong malakas sapat lang para mapa-ubo ito.

"Aray! Ano ba Herian?" Napatayo ito bigla habang umuubo pa rin.

Hindi siya sumagot pero inginuso niya si Angelo na nagulat sa naging reaksyon nito. Biglang lumambot ang ekspresyon ng mukha  nito.

"Ahh. Babe talaga. Napalakas yata ang hampas mo. Halika ka nga rito." Ipinaikot nito sa baywang ang mga kamay nito sabay hila sa kanya palabas ng kwarto. " Sandali lang, Angelo. Gagamutin lang ng kiss ni Mama ang sakit ni Papa. Babalik din kami." Paalam nito sa anak na napatango na lang.

"Ano ba ang ginagawa mo ha, Troy? Akala mo ba natutwa ako sa mga pinagsasabi mo sa harap ng anak natin? Mahiya ka nga." Sermon niya rito pagkalabas na pagkalabas nila ng kwarto ni Angelo.

"I did nothing wrong. It was you na gusto akong patayin. Sh8t, Herian, Ang sakit ng likod ko." Nag-inat-inat  pa ito ng likod.

"At dadagdagan ko yan kung hindi mo titigilan ang pang-aasar sa akin. Hindi lang likod mo ang sasakit."

"Talaga? So, ibig sabihin, marami ka ring hahalikan kung sakaling bubugbugin mo ako. Come on, do it now. Excited ako sa gamot na ibibigay mo pagkatapos mo akong babalian ng buto." Ngumiti ito nang nakakaloko.

At talagang hinahamon siya nito, huh? Fine, ibibigay niya ang nararapat sa lalaking ito. Humakbang siya palapit kay Troy. At-----------

__________________________________________________________________________

Chapter Ten part one ends here.

Enjoy!!!!

 Gusto niyo bang pahabain ang kwentong ito or i'll just make short na lang?

The Father of my ChildWhere stories live. Discover now