Chapter Ten (Part Two)

34.9K 388 14
                                    

Continuation.........

Lumapit siya kay Troy at ikinabit niya ang mga braso sa leeg nito. Hindi ito nakagalaw sa ginawa niya. Maging siya nga nabigla din sa ginawa niya. Hindi niya alam kung saan siya humugot ng lakas ng loob para gawin ito. Iba ang nasa isip niya pero ito ang ginawa niya. Well, hindi naman siguro ito counted as tsansing.

"Okay na ba ito para maalis ang sakit diyan na nararamdaman mo?" Bulong niya rito sabay halik sa dulo ng tenga nito.

"H-Herian.........." He whispered. Hindi niya alam pero parang may iba siyang nahimigan sa tono ng boses nito. Tonong naghahanap ng isang bagay at sa wakas ay natagpuan niya na.

Bumitaw siya rito at bigla niya itong  knurot uli sa braso.

"Bayad na ako. Huwag kang mag-alala, maalis na 'yang sakit diyan sa katawan mo." Sabi niya rito sabay talikod pero hinahawakan siya nito sa braso. "Bakit ba? Bayad na ako sayo, di'ba?" Asik niya rito.

"Wait lang naman, Herian. Sabi ko, lips ko ang masakit, hindi tenga kaya ito ang i-kiss mo para mawala ang sakit." Inginuso nito ang labi at talagang nakapikit pa.

Holy Kamote! What should I do? Nate-tempt na akong gawin ang sinsabi niya. Napalunok siya nang tingnan niya ang labi nitong mas kissable pa sa lips ng ibang babae. This is the hardest moment to control herself. Ipinikit niya ang mga mata niya para hindi siya lalong ma tempt pero hindi pa rin niya mapigilan ang sariling buksan ang mga iyon.

"Ang tagal naman, Herian! " Reklamo nito.

Huminga siya ng malalim at dahang-dahang lumapit rito. Hindi niya alam kung hahawakan niya ba ang pisngi nito or what pero hinawakan na rin niya sa huli.

And she was about to kiss Him when kitchen's sliding door open at iniluwa niyon si Jasmin na may bitbit na sandok.

"Ahem! Ahem! Kasweetan Alert. Kalalabas lang ng anak nila sa ospital pero may balak na kaagad gumawa ng bago. Tsk. At sorry kung naka-distorbo ang isang diyosang tulad ko sa labing-labing niyo ha? Itatanong ko lang naman sana kung sana kung may crab soup ba kayo dito. Iyon sana ang balak kong lutuin ngayon eh.."

Automatic siyang bumitaw kay Troy nang bigla na lamang sumulpot ang kaibigan niya. Panira naman ng moment ang babaeng ito kahit kailan. Kung may times man siya na balak patayin ang kaibigan niya ng ito, ito na siguro iyon. Ang sarap bitayin ng patiwarik.

Kung siya ay naghihinayang ng sobra, si Troy naman ay nakita niyang napakamot ng ulo baba at nalukot ang mukha. Mukhang mas naghhihinayang ito kaysa sa kanya.

"Wala ba dun sa kusina? Meron pa dun last time na tumingin ako kung may mga supplies pa kami dito eh." Tanong niya rito.

"Eh kung meron dun, hindi na sana ako magsasayang ng energy na magbukas niyang pintuan," Itunuro nito ang pintuan. "At maglakad papunta rito."

At talagang pinipilosopo pa siya nito ah?

"Dude naman, wrong timing ka eh. Hindi ba naibulong sayo ng soul mo na may importante kaming ginagawa rito ni Herian?" Singit naman ni Troy na nakabusangot pa rin. Wow! Nahiya siya sa "Importante" nilang ginagawa. At by the way, Haven't I told you all na Dude ang tawagan nilang dalawa? She don't know kung ano ang pumasok sa kukute ng dalawang ito at iyon ang naisipan nilang tawagan sa isa't-isa.

"Sorry naman dude. Kung alam ko ba namang may "Importante" kayong ginagawa, e di hindi na ako pumasok dito. At one more thing, hindi ako napagsabihan ng soul ko dahil nag soul searching pa siya." Tumingin ito sa wall clock na nakasabit sa pader. " At this point siguro nasa Italy na siya at kasalukuyang sumasakay sa bangka dun sa Venice at kumakain ang Gelatto." Natawa siya sa sinabi nito. Alam niyang ang tinutukoy nitong Soul ay ang Bf nitong nasa Italy ngayon dahil umattend sa isang exhibit dun. Isang painter kasi ang BF nito.

The Father of my ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon