Chapter 3

66.5K 868 41
                                    

Chapter Three

"Salamat po Diyos ko at niligtas niyo ang anak ko. Hindi ko po talaga alam ang gagawin ko kung mawawala siya sa akin. Siya na lang nag-iisang dahilan ko para mabuhay, siya ang dahilan kung bakit araw-araw akong pumupunta sa computer shop 'dun sa kanto para magsulat ng mga manuscripts. Kaya nagpapasalamat ako at hindi niyo siya pinabayaan." Taimtim siyang nanalanangin sa maliit na chapel ng Ospital. Habang nanalangin ay hindi niya mapigilan ang sariling luha na dumaloy sa pisngi niya. "Nasaan na ba 'yung panyo ko?" Kinapa niya sa bulsa ng kanyang faded jeans ang kanyang panyo ngunit wala siyang nakuha. Nasa bag nga pala niya naiwan.

"Here." Nang lingunin niya ang nagsalita ay nakita niya si Troy na may hawak-hawak na panyo pero Hindi niya iyon pinansin.

"Salamat na lang."

"Tanggapin mo na. Nakakahiya sa makakakita ng uhog mo. Don't worry hindi ko naman pababayaran sayo." Sa narinig ay agad niyang hinablot ang hawak na panyo nito at suminga ng pagkalakas-lakas. Narinig niyang humalakhak ito ng malakas kaya agad niya itong hinampas sa braso ng malakas.

"Hinaan mo nga boses mo. Nasa chapel tayo, nakakadistorbo ka ibang tao na nanalangin para sa kanilang pamilya na nasa delikadong sitwasyon."

"Kalma lang. Ito na at tatahimik na ako." Sabi nito na umupo na sa tabi niya. "Let's pray together. Mas malakas daw ang good vibes kapag may kasama kang nagdadasal" He said sabay hawak sa kamay niya at yumuko. Agad niyang hinila ang kamay niya pero hinawakan nito iyon ng mahigpit kaya pinabayaan na lang niya baka makakuha pa sila ng atensyon.

Nakapikit lang ito ng tiningnan niya. Ang sarap nitong pagmasdan kapag nakapikit. Ang machong tingnan. Naisip niya tuloy bigla, magkakabalikan pa kaya ulit sila? Pero paano? Lalandiin niya? O di kaya'y hayaan na lang ang tadhanang paglapitin ulit sila? Natigilan siya, bakit ba iyon ang naiisip niya? Hindi ba at galit siya lalaking ito? Kinamumuhian nga niya ito pero bakit ngayon ay balak pa niyang landiin?

"Maghubad ka sa harap niya, Herian. Tingnan natin kung hindi ka niya yayain ulit magpakasal." Ewan niya pero may manyak na tinig na nagsalita sa utak niya binatukan niya tuloy ang sarili niya.

"Aray!" Ang sakit pala kapag binatukan mo ang sarili mo.

"Are you okey? " Tanong ni Troy na mukhang nakita ang pagbatok niya sarili. "Masakit ba ang ulo mo? Ang mabuti pa siguro ay umuwi ka na muna. Mukhang pagod na pagod ka." Nakita niya ang pag-aalala sa mukha nito. How sweet naman. Pero may part sa loob niya na nagaalinlangan kung totoo nga ba ang ipinapakita nito o may iba pang dahilan.

"Hindi. Okey lang ako. Hindi ko iiwan si Angelo dito. At kung may dapat mang umuwi at magpahinga sa ating dalawa, ikaw 'yun. Galing ka pang Davao, hindi ba?"

"I can handle myself. Sanay na ako sa puyatan at sa laki ng muscles kong ito, mapapagod kaagad?" Itinaas pa nito ang isang braso at tinapik tapik. Hindi niya tuloy maiwasang matawa.

"Hindi ko alam na marunong na palang magbiro ang isang Troy Montereal." Sabi pa niya.

"Dati pa akong marunong mag joke. Nakalimutan mo yata na lagi kitang napapatawa sa mga corny kong jokes dati? Isa nga yata iyon sa dahilan kung bakit minahal mo ako e." Napayuko siya sa sinabi nito. Yes, totoong wala siyang ginawa dati kundi ang humalakhak ng humalakhak kapag kasama niya ito. Sa sobrang corny ng mga jokes nito, hindi mo mapipigilan ang sarili mong hindi matawa. At sa bawat jokes at pick up lines nito ay may kapalit na kiss, lugi nga siya palagi dahil nag re-research pa ito sa internet ng mga jokes na gagamitin sa kanya.

Napangiti siya nang maalala ang araw na sinagot niya ito.

"Miss, Kamote ka ba?"

"Bakit?" Natatawa niyang tanong. Nasa botanical garden silang dalawa. Nakahiga ito sa lap niya habang sinusuklay niya ang buhok nito ng kamay niya. Para silang modern Romeo and Juliet.

The Father of my ChildWhere stories live. Discover now