Chapter Eight (You seduce me, I'll seduce you too) Part one

37.7K 351 22
                                    

Chapter Eight

"T-Tita Kate?" Nanlaki ang mga mata ng babaeng bigla na lamang sumugod at nanampal sa kanya. Samantalang siya naman ay hindi makapag salita. Limang taon na din ang nakalipas mula nang huli silang nagkita, matapos nitong sabihin sa kanya ang boung katotohanan, na niloko lang siya ni Troy, na fake lang pala ang naging kasal nila at hindi pa siya handang kausapin ito muli.

"Tinatanong kita kung bakit mo siya sinampal, Nicole. And as far as I know, my son dont want you to be here anymore, right?"  Napaatras ito nang pumasok na ang mama ni Troy. Tiningan siya nito pero umiwas siya ng tingin.

"Ahh, T-Tita, kasi.. I miss Troy so much and I wanted to invite him sa welcome party ni Dad, That's all." Nanginginig nitong pagpapaliwanag at tsaka tumingin sa kanya. " Pero ayaw po akong papasukin ng katulong niya at pinagsabihan pa ako ng kung  anu-ano Tita kaya sinampal ko siya. She deserves it anyway." Inismiran siya nito.

Pinigilan niya ang sariling masubunutan si Nicole dahi sa pinagsasabi nito. Hindi lang pala ito war freak, sinungaling pa.

"Katulong?" Nagtatakang tanong ni Kate. " What's this, Herian?" Baling nito sa kanya.

"You know her, Tita? Ahh, siguro kayo ang kumuha sa kanya as katulong ni Troy to help him linis his condo. But i suggest na sesantihin niyo po siya dahil hindi niya ginagawa ng maayos ang trabaho niya. Wala pang galang at sinasagot-sagot pa ako."

"I'm not talking to you, Nicole. Herian, anong sinasabi niya na katulong ka ni Troy rito? Don't tell me na si Troy ang nagsabi sayong maging katulong niya? Tell me at nang masabihan ko ang lalaking yun!" Lumapit ito sa kanya at akmang hahawakan ang braso niya pero umiwas siya. Narinig niyang napa-buntunghininga ito. Alam niyang kabstusan ang ginawa niya, but she don't care.

"Hindi po. Wala pong kinalaman si Troy dito. Siguro mukha naman talagang akong katulong kaya napagkamalan ako ni Nicole na katulong." Mahinang sagot niya.

"Mabuti at alam mo na mukha ka talagang katulong. And Tita why talk to her as if close siya sa inyo? Mamamaya niyan baka mahawaan pa kayo ng virus galing sa kung saang slum area man siya galing." Gusto na sana niyang damputin ang figuring hugis buwan sa estante at ipupok rito para makakita ito ng bituin kahit may araw pa kaso nagulat siya ng bigla na lang itong sampalin ng Mama ni Troy.

"T-Tita?" Hindi makapaniwala nitong tanong habang hawak-hawak ang pisngi na  namumula. Mukhang nagulat talaga ito sa pagsamapal sa kanya. Pati nga siya nagulat din. Kilala niya kasi ito na sobrang hinhin at hindi madaling magalit.

"Watch your mouth, Nicole. I've known your father for being one of the most benevolence man in bussiness world kaya nagtataka ako kung bakit ganyan ang ugali mo. No wonder kung bakit ayaw na ayaw sayo ng anak ko. And looks like hindi mo kilala ang babaeng nasa harap mo."

"Sino ba ang babaeng basahan na yan para kampihan niyo siya kaysa sa akin?  And Troy likes me, he likes me a lot." Ingos nito.

Nakita niyang parang nauubusan na ng pasensya ang Mama ni Troy. Lumapit ito sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Hindi na niya nagawang makaiwas. Wala naman kasing dahilan para iwasan niya ito. Narinig niyang napa- eww si Nicole. Ang sarap talagang isako ang babaeng yan.

"She Is Troy's Wife! And I'm warning you, next time na saktan at pagsalitaan mo pa siya ng masama, ako ang makakalaban mo." Hinarap nito s Nicole na napamulagat sa narinig. Napatingin naman siya rito. Hindi niya alam pero may kung anong sakit siyang naramdaman sa sinabi nitong asawa siya ng Troy. How can she say that kahit alam naman nito ang totoo? Na hindi naman talaga sila naging mag-asawa ng anak nito. Ito pa nga mismo ang nagsabi sa kanya ng lahat, di'ba? But then, why She's addressing Her as His son's wife?

The Father of my ChildWhere stories live. Discover now