Chapter 5 ( I Miss Your Hug)

46.9K 463 31
                                    

She rubbed her sweaty palms together. Kanina pa siya tayo ng tayo then, uupo saglit at tatayo na naman at maglalakad ng ilang metro at mauupo na naman. Para siyang pusang hindi maihi. Paano ba namang hindi siya magka ganyan, today is Angelo's operation. Hindi nag match ang bone marrow nilang mag-ama but of course, because of power and connection he had, nakahanap sila ng donor na match sa bone marrow ni Angelo. She was crying after the Doctor told them na hindi nag match ang bone marrow ng dalawa, hindi naman daw kasi lahat ng magkakadugo ay match ang mga marrow nila.

 "Pwede ba Herian, Maupo ka na lang dito? Nahihilo ako sa kakasunod ng tingin sa iyo eh." Sabi sa kanya ni  Jasmin, ang best friend niyang freelance writer din katulad niya. Ito ang nagbabantay kay Angelo sa tuwing kailangan niyang umalis.

"Kinakabahan kasi ako. Baka nasasaktan ang Anak O di kaya ay baka magkamali ang doktor sa gagamitin niya equipment at mapano pa si Angelo. O di kaya baka bigla na lamang mag brown, hindi na makikita ng Doktor kung ano man ang hihiwain niy-" Natataranta niyang sagot dito.

"Or baka mamaya, Dalawa na kayo ang nakahiga sa Hospital bed dahil bigla ka na lang natumba diyan."

"Jasmin naman, hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko. He's my life, alam mo iyan at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag..." Hindi niya kayang ituloy ang kung ano ang nasa utak niya.

"Kasi naman, huwag kang mag-isip ng mga negatibong ek-ek na iyan. Hope that Angelo can surpass this. He's a brave boy, alam mo iyan. Paano pa siya lalaban kung ang sariling ina niya, pinaghihinaan na ng loob?"

Napatingin siya sa kaibigan. She could felt some guilt inside her. May point ang kaibigan niya. Lalaban ang  anak niya, alam niyang lalaban ito.

"Halika ka nga ditong bruha ka at  nag mabigyan kita ng yakap ng pagsuporta." Natatawa siyang lumapit at niyakap ito ng mahigpit. 

"Everything will be fine." Sabi nito.  Napaka swerte niya at may isang Jasmin na andiyan lagi sa tabi niya kapag nangangailangan siya ng tulong. Ngayon niya napagtanto na superheroes did exist.

"Thank you talaga." Iyon na lang ang nasabi niya hanggang sa hindi niya namalayang nakatulog na pala siya habang nakayakap dito. Wala kasi siyang masyadong tulog mula pa kagabi dahil sobrang pag-aalala. And it's been a week since nagkasama sila sa isang bahay ni Toy, pero hindi naman sila gaanong nag-uusap. Paano ba naman  kasi, ang aga nitong gumising at gabi na kung umuwi. And yes, they both sleep in his room pero sa sofa ito natutulog. Ngayon nga, kahit operation na ni Angelo ay wala din ito, nasa Davao ito at may ka meeting na malalaking negosyante. But he promised na makakapunta ito.

Hindi niya alam kung gaano siya katagal nakatulog. Nagising na lang siya dahil sa amoy ng isang napaka pamilyar  na pabango. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya.

"Tuxedo?" Tanong niya sa isip nang magising. "Troy?" Nanlaki ang mga mata niya ng malaman niyang nakahiga pala siya paharap sa lap nito. Nakapikit lang ito kaya hindi niya masabi kung tulog ba ito o nakapikit lang. Dumating na pala ito, hindi man lang niya namalayan.

"Ahmmm." Ungol nito na nanatiling nakapikit. He seems over exhausted. 

Tinangka niyang bumangon pero hinila siya nito pabalik at this time, napasubsob na siya sa dibdib nito. Her heart pounded erotically. Ang bilis-bilis na halos iyon na lang tanging bahagi ng katawan niya na gumagana. 

"T-Troy?" 

"How I miss to cuddle you like this." Sounds like tired na mahinang anas nito.Namula siya sinabi nito. Oo nga at hindi na sila nagtatalo palagi pero hindi ibig sabihin ay na okay na ulit sila. But she can't deny this kilig feeling na nararamdaman niya ngayon. Na miss din niyang kayakap ito, ang humiga sa bato-bato nitong tiyan at haplusin ang mukha nito. 

The Father of my ChildNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ