Chapter 14

159K 5.7K 679
                                    


Bumalik na agad kami sa Academy pagkatapos makita yung mga painting, babalik kaming library para pag usapan yung mga conclusion namin.

"So guys, who'll start?"-jeanne
"Ako ako!"-charm
"Ok shot!"-jeanne
"*ehem*" pagfafake nya ng ubo "Eto serious na. Hindi sya nakidnap, dahil kung kidnap yun gabi dapat sya kinuha. At sa tingin ko binlack mail sya nung kausap nya para sumunod sya at ganun din ang ginawa dun sa iba"

"She's right, malamang ang ginamit na pang black mail sa kanya ay isang tao. Kasi sabi nga ni Flame mukha syang nagaalala at tingin ng tingin oras na para bang may hinihintay"-axel
"Tingin ko ganun din yung sa iba, tingnan nyo may pattern yung pagkawala at pagbalik nila"-johanne

Yung nga rin yung pinaka una kong napansin.

Every 12 hours may nawawala at bumabalik sila after two days, pero natigil yun nung saturday at yun yung araw na nakabalik na yung unang nawala. Pero ang pinaka nakakapag duda ay ang magic ng mga nawawalala, dalawang psychokinetic, tatlong may physical strength at isang may element of thunder. At lahat sila ay malalakas.

"Gagamitin sila" biglang sabi ko

Kanina ko pa to pinag iisipan, at sa tingin ko tama naman ako.

"What do you mean?"-von
"May nabasa akong libro last week, ang sabi doon magiging napaka lakas kung pagsasamahin ang mga majika nila. Lakas ng pagiisip, pisikal na lakas at ang kuryente" napangiti ako ng may maalala "Kung iisipin parang avengers ang dating nila, talino ni Iron Man, lakas ni Captain America at kidlat ni Thor"

"And who exactly is that Avenger?"-von
"Wala, mga alien"
"Pero tama ang sinabi mo, may nabasa nga rin akong ganon. Pero saan naman sila gagamitin? At isa pa pinapabalik di sila agad, wala nga lang sa sarili"-von
"Hindi ko alam, pero kung saan man sila ginamit siguradong hindi maganda yun"
"Tingin nyo ang may kagagawan ay yung Salvatore?"-jeanne
"Oo, pero dapat muna nating makausap yung mga kaibigan ng mga biktima. Magtanong tanong pa tayo"-sky
"No need"-frost
"HUH?!" kaming lahat

"Nasolve ko na, at kung tama ako. May mawawala ulit sa Wednesday"- frost

Kinikilabutan ako sa ngiti ni Frost, ewan pero parang may tinatago sya. Nakakapagtaka.

-----

Wednesday

=_= inaantok pa ako. 7 am palang pero gising na kami at sinusundan tong lalaking to. Sino si lalaki? Yung sinabi ni Frost na susunod na mawawala. Naipaliwanag na nya sa amin lahat at napahanga talaga ako sa galing ng isip nya. Ultimo maliliit na detalye hindi nya pinalalagpas, at doon nya nabuo yung conclusion nya.
Sige, sya na matalino=_=

Nasa cafeteria kami ni Charm kasi kumakain sya. Wala dito yung iba kasi baka maghinala, ang weird naman kung may walong tao ang lagingg nandoon kung nasaan ka diba?
Pinag grupo kami ng dala dalawa, si Charm at ako, Von and Axel, Sky and Frost, Johanne and Jeanne. Nakakapag usap naman kami dahil kay Sky, ginagamit nya ang hangin para maipadala ang mensahe sa bawat isa. Kaya kapag nagsalita ka maririnig ng lahat.

Ano ng ginagawa niya, flame at Charm? Narinig kong sabi ni Von
Wala, kumakin lang. sagot ni Charm
May kakaiba ba syang kinikilos? -Sky
Wala, normal. -charm
But he's in deep thinking, at tingin ng tingin sa relo. Dagdag ko

Nagulat kami ng biglang umalis yung sinusundan namin kaya mejo nag panic si Charm, oo si Charm lang. Cool ako eh, chos!

Umalis na sya, papunta sa inyo Von -ako
Target located! -axel
Sinusundan na namin sya, mukhang pupunta ng garden -von
Malapit kami ni Johanne sa garden, papunta na kami doon. -jeanne

Naglakad kami ni Charm palabas ng cafeteria

We're here. -jeanne
Papasok na sya, kayo na bahala Jeanne. -axel

Sky Academy | PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon