Chapter 22

155K 5.5K 206
                                    

Napaka ganda ng bayan na ito. Kung sa Sky advanced dahil sa dami ng technology dito makaluma at ang daming puno. Yung mga mamamayan din ay kakaiba, mga kalahating hayop nga sila. May ilan na nakakatakot pero mukha naman silang mababait at harmless, iba iba rin ang sizes nila. Yung mga hayop naman dito kakaiba rin, ewan ko ba pero parang may powers din sila. May nakita nga akong isang rabbit na grabe sa taas tumalon.

Ang ganda talaga dito, mala probinsya ang dating.

"Wow, green everywhere"-charm
"Ang cool ng mga bahay nila, parang kubo pero mukhang matibay"-sky

"Tara na, pumunta na tayo sa hari nila"-frost

Nag lakad na naman kami at this time buhat buhat ko na si Phire na natutulog. Papunta kami sa sentro ng bayan na ito kung saan ang bahay daw ng hari, kapansin pansin naman ang bahay nya dahil iyon ang pinaka malaki at mataas.

Pagkarating namin ay kinausap ni Frost yung malaking lalaki na parang bantay at ilang sandali lang ay sinabihan na kaming pumasok. Maganda yung loob nitong bahay, malinis at maraming kung ano anong armas at may nakita pa nga akong ulo yata ng hayop na nakasabit sa gilid... Weird pero bumagay naman sa atmosphere ng lugar na ito.

Nakarating kami sa harap ng isang kutina na hindi nakikita ang loob, siguro nandito yung hari.

"Mahal na hari, dumating na po ang mga taga Sky" paghahayag nitong lalaki

Umangat yung kurtina at nakita namin ang isang lalaki na nakaupo sa paeang trono nya. Medyo nakakatakot syang tumingin dahil napaka seryoso nya at ang laki ng katawan nya, kalahating lion sya sa tingin ko. May mga balahibo din kasi sya.

"Kanina ko pa kayo hinihintay" sabi nya sa napaka lalim na boses ... nakakatakot talaga

"Scary" bulong ni Charm at kumapit pa sa braso ko

"Kawal, ipatawag ang anak ko at ang mga kaibigan nya" utos nung hari

Kaagad na sumunod ang isang kawal at sandali lang ay may dumating na apat, sila siguro ang tutulong sa amin.

"Oo nga pala ipakikilala ko muna ang aking sarili, ako si Haring Lennox ang ikatlong hari ng Edulas. Maaari nyo bang sabihin ang mga pangalan nyo?"-hari

"Frost Nightwalker" maiksing pakilala ni Frost
"Sky Nightwalker po, kambal kami ni Frost"-sky
"Ako po si Johanne, Cleve Johanne Havens po"-johanne
"I'm Jeanne Hyde Havens, he's my brother po" tinuro pa niya si Johanne sa tabi nya
"Ako naman po Charm Rei Scarlet, hello po" sabi ni Charm na kumakaway pa
"Sapphire Flame Forrester po at ito ang Mythical Guardian ko si Phire"

"Ahh Sapphire magandang pangalan, alam mo may kamukha ka. Nagkita na ba tayo?" Kunot noong tanong nung hari
"H-hindi pa po"
"Siguro'y kamukha mo lang, at ang cute nyang guardian mo. Anak magpakilala na rin kayo sa mga dayo" baling ng hari doon sa apat

Pakiramdam ko nilalait nya ako, master.
Hindi ah, cute ka nga daw.

"Hello po sa inyo! Ako po si Chill, Chill Miiar!!" Masiglang pakilala nung batang babae, sa tingin ko 12 lang sya. Napaka cute nya at yung tenga nya ay parang tenga ng wolf, yellow orange ang kulay noon na may brown sa dulo at maging yung buntot nya ay ganon rin. Sigurado kaya silang makakalaban ang batang ito?

Malakas sya master, water element ang powers nya.

"Reev Viands, ikinagagalak kong makilala kayo" sabi nung lalaking matangkad na puti ang buhok, mukha syang normala, ibig ko sabihin wala syang kakaibang katangian. Pero mukhang mayabang at babaero, kinindatan pa nga so Jeanne eh. Nakakatawa kasi ang sama ng tingin ni Johanne sa kanya, obviously hindi sila magkakasundo.

May pakpak sya master.
Pakpak? Gaya sa ibon?
Hindi, gaya sa anghel.

"I'm Vyra Fierlus" maikling sabi nung babaeng mukhang masungit. Dark green ang buhok at mata nya, kakaiba rin yung katawan nya. Parang may armor at may buntot din sya na gaya ng sa alakdan

Sky Academy | PUBLISHEDWhere stories live. Discover now