Chapter 36

134K 5K 942
                                    

Update muna bago ibagsak ang exam sa Chemistry.




I feel so exhausted. Sobrang pagod na pagod kaming lahat. Bakit? Kasi nagumpisa na ang training last week pa. Last week kasi pagdating namin dito wala pa naman kaming masyadong ginawa...

Flashback

"Maganda, hindi ba?"

Pagtingin ko sa nagsalita, ang fire Guardian noon.

"Ito ang paraiso namin, dito kami nakatira" sabi ng isang lalaki na may light blue na cloak, light blue na mata at brown na buhok. "Ako nga pala si Travis, ang dating Air Guardian" dagdag nya

"Ilang daang taon na rin kaming nakatira dito, pero di naman nakakasawa. Maganda eh" yung babaeng may brown cloak at brown eyes na black ang buhok naman ang nagsalita "Ako naman si Sam, ang dating Earth Guardian" patuloy nya

"Minsan nakakalabas kami, pero once in a blue moon lang" masiglang sabi ng babaeng may aqua blue na cloak at aqua Blue eyes, blonde ang buhok nito "I'm Faye, dating Water Guardian"

"Hundreds of years na kami dito, nagsasawa na nga ako sa face ng mga ito!" mataray na sabi ng babaeng may yellow cloak at yellow eyes, reddish brown ang kulay ng buhok nya "I'm Hailey nga pala, Thunder Guardian before"

Nakakatuwa silang tingnan, halata mo na sobrang close nila at di na nagkakailangan. Parang nakikita ko nga sa kanila ang barkadahan namin.

"Blake? Ano? Walang balak magpakilala? Ikaw, Andy?"-travis

"Kailangan pa ba? Sinabi mo na ang pangalan namin ah" sabi ng lalaking may luminous blue eyes at cloak, medyo napa ngiti naman ako dahil sa kulay ng buhok nya. Seriously, bakit pink? Yung pink na sobrang light lang. Sya siguro yung Blake, ang mabait na bahagi ng Ice Guardian. At ang Fire Guardian naman, Andy pala ang pangalan nya.

"Ang bait mo talaga noh? Pasalamat ka kaibigan kita"-travis
"Salamat"-blake

"Ha-ha tss, eto nga palang lalaking ito si Blake, dating Ice Guardian at ito namang maganda si Andrea or Andy ang dating Fire Guardian"-travis

"Ahm hello po, ako naman si Sky Nightwalker, wind Guardian po" sabi ni Sky at nag bow pa
"I'm Jeanne Havens, thunder Guardian" simpleng sabi nya
"Trixie Maine po, Earth Guardian" nag smile pa sya ng konti
"Ako naman po ang pinaka cute na si Chill Miarr, ang Water Guardian!" At kumaway kaway pa
"Ako po si Sapphire Flame Forrester, fire Guardian" nag bow na rin ako bilang respeto
"Frost Nightwalker, Ice Guardian"

"Halika, maglibot tayo then puntahan natin yung titirhan nyo"-Andy

Nilibot namin yung buong lugar, malaki dito at kulang ang isang araw para mapuntahan lahat kaya sa ilang lugar nalang nila kami dinala. Maganda yung buong lugar, masasabi mo talaga na isa itong paraiso. Nababalutan ng kulay green dito dahil sa mga puno at halaman, napaka refreshing siguro tumira dito.

Pagdating naman namin duon sa bahay, hindi yung kalakihan. Gawa sa kahoy at fully furnished, yung mga gamit sabloob ay yung mga pangkaraniwan lang at gawa rin lahat sa kahoy. Pagdating naman sa mga kwarto hiwalay syempre ang babae sa lalaki, yung kwarto naming mga babae simple lang. May apat na kama at apat na cabinet, pinili kong pwesto ay yung sa pinaka dulo malapit sa bintana. Ang cute kasi ng bintana, pagkatingin mo sa labas tanaw mo agad yung lawa.

End of Flashback

Nuong araw na yun, pinaghapunan lang nila kami at pinag pahinga na dahil maguumpisa na nga agad ang training namin. Light training palang daw ang gagawin pero kinabukasan, ginising nila kami ng alas kwatro ng umaga at pinag jogging ng isang oras. Take note, wala pa kaming almusal nyan.

Sky Academy | PUBLISHEDWhere stories live. Discover now