Chapter 35

141K 4.8K 1.6K
                                    

Pagkamulat ng mga mata ko ay may mukhang sumalubong sa akin kaya napabangon agad ako at ang resulta? Ayun nagkauntugan kami to the point na parang naalog na yung utak ko. Ouch.

"WAAAAAAAAAAAHHH GISING NA SI FLAME!!" sigaw ni CHARM, oo si Charm. Kaya nag takip ako ng tenga. Bakit naman sya todo sigaw?

Ilang segundo lang pagka sigaw nya ay lumagabag na ng bukas yung pinto at nagsipasukan sina Axel.

"Ate Flame! Gising ka na!" Sigaw din ni Trixie
"Flameeeeeeeeeee" dinamba naman ako ng yakap ni Axel "Buti gising ka na, nagalala kami"

"Grabe kayo, kung makayakap wagas. Ilang minuto lang naman ako natulog" natatawang sabi ko

Natahinik sila biglang lahat at tiningnan ako.

"Oh bakit?"
"Flame, you didn't sleep for just some minutes"-johanne
"Inabot kaYo ni Frost ng two weeks"-sky

Two weeks. O.O Two weeks na akong tulog? Grabe, ganon katagal? Pero parang 10 minutes lang naman. Nagusap lang kaya kami doon.

"Two weeks? Ganon katagal?"
"Oo, sobrang nagalala nga kami sayo"-charm

"Nagalala? Kaya pala nakalimutan nyo na ako" isang boses naman ang nagsalita... si Frost.

Nakaupo sya sa kabilang kama na halos kalapit lang ng sa akin, nagkakamot pa sya ng ulo at gulo gulo ang buhok. Cute.

"Frost!" Sigaw ni Sky at niyakap ang kambal nya "Buti nalang gising ka na! Huhu"

Seriously, naiiyak talaga sya! Haha

"Bitawan mo ako Sky, ang bakla mo" sabi ni Frost habang tinutulak tulak si Sky

*Gruuuuuuuuuuh~

Napatigil yung dalawa sa pagtutulakan at natahimik yung mga nagtatawanan. At dahil yun sa... sa tyan ko na tumunog dahil sa sobrang gutom. Kasalanan ko ba?

"Two weeks akong di kumain" nakayukong sabi ko

Nagtawanan sila ng malakas dahil sa dinahilan ko, ako naman nmumula na sa kahihiyan.

"Kumain tayo" sabi ni Frost habang tumatayo. Binigyan naman sya ng kakaibang tingin ng mga kasama namin "Ano? Kayo kaya ang matulog ng two weeks"

Tumayo na kami at nag punta sa kainan dito sa palasyo, nagulat naman ako dahil sa dami ng pagkain dito. Parang fiesta.

"MALIGAYANG PAGBABALIK, MAHAL NA PRINSESA" sabay sabay na sabi ng mga tao sa harap ko, mga servant dito sa palasyo.

"Anong sinasabi nila?" Gulat na tanong ko

"Ieexplain namin sayo, pero maupo na muna tayo"-axel

"Oh ano na?" Kaagad na tanong ko pagkaupo namin

"Ganito Flame, si King Topaz alam nya pala lahat. Alam nyang ikaw ang nawawalang prinsesa, alam nyang magkapatid tayo at sya ang nagpadala sayo ng sulat dati. Remember? Yung golden letter?"-axel
"Last week inanounce nya sa buong Sky na natagpuan na ang nawawalang prinsesa, at ikaw yun."-sky

"Ok"
"Ok? Yun lang?"-trix
"Oo" sabi ko at nagumpisa ng kumain ng kumain, grabe gutom na gutom ako. Napansin ko naman na iiling iling si Frost sa harap ko, oo magkaharap kami.

"Nasaan pala sina King Topaz? At pansin ko rin kumonti yung mga tao dito sa palasyo, nasaan sila?"

Nagkatinginan muna sila bago sumagot

"Kalahati sa mga kawal at manggagamot wala dito sa kaharian, nakakalat sila sa iba't ibang lugar kasi..."-johanne
"Naguumpisa na ba?"-frost

Naguumpisa? Ang alin?

Sky Academy | PUBLISHEDWhere stories live. Discover now