Chapter 31

138K 4.5K 1.2K
                                    

*BOOM

*BOOM

*BOOM

*BOOM

Apat na magkakasunod na pagsabog ang dumagundong, matapos naman nito ay ang nakabibinging sigawan ng mga tao.

Napaupo nalang ako dahil sa lindol na sa tingin ko ay dahil sa pagsabog. Ano bang nangyayari?

"Flame, are you alright?" Tanong ni Frost at inalalayan akong tumayo
"Ayos lang ako"

Pagtingin ko sa ibaba ng stage ay nagkakagulo na ang mga tao, may ilang staff ng school ang nagpapakalma sa kanila. Nakita ko naman na tumatakbo papalapit dito sina Axel.

"Yung sumabog, puntahan natin"-axel
"Yeah, apat na building siguro yun"-johanne
"Dalawang pagsabog sa technology department, isa sa dorm specifically sa floor natin at ang huli sa lab"-trix
"How did you know that?"-johanne
"Vibration sa lupa"-trix

"Let's talk about it later. But for now, Axel, Charm and Sky sa dorm kayo magpunta. Johanne, Jeanne and Trixie sa lab kayo at kami naman ni Flame sa technology department. Let's go!"-frost

Matapos nyang sabihin yun ay hinila na nya ako papunta sa tech. dept. Nang makarating kami doon ay kasalukuyan na itong nasusunog.

"A-anong gagawin natin?"
"Jan ka lang"-frost

Tumayo si Frost malapit sa building at nagpalabas ng malakas na snow storm, pero kahit na napakalakas nito ay kulang parin. Hindi pwedeng masunog na tuluyan ang tech. dept. Kapag nangyari yun mauubos lahat ng invention na nasa loob nyan. Anong gagawin ko?

Alam ko na. Tumakbo ako palapit kay Frost.

"Umatras ka Frost, susubukan ko"

Pagkaatras na pagkaatras ni Frost ay nag concentrate ako ng matindi. Sana gumana to, apoy makisama ka.
Itinaas ko ang mga kamay ko at sinubukang palapitin ang apoy papunta sa akin, oo hihilahin ko ito para mawala ang sunog.

Ipinikit ko ang mga mata ko ng makitang unti unti ng napupunta sa akin ang apoy, naramdaman ko rin ang pag angat ng paa ko sa lupa. Sobra, alam kong sobra na ang apoy na nasa loob ko pero kakayanin ko.

Tuluyan ng nawala ang apoy sa building at bumagsak na rin ako sa lupa, ng akmang lalapotan ako ni Frost ay agad ko syang pinigilan.

Ginamit ko ang pwersa ng apoy para makalipad ako sa langit at ng makita kong sapat na ang taas ko ay pinakawalan ko na apoy na nasa loob ko.

"AAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!"

Nang mailabas ko na lahat ay nakaramdam ako ng sobrang pagod, sobra sobrang pagod kaya't nawalan ako ng malay at bumagsak... bumagsak mula sa langit.

———————————

Pagkamulat ng mga mata ko ay ramdam ko ay agad ang sakkt ng katawan, para akong dinaganan.

"Kamustang pakiramdam mo?"
Medyo nagulat pa ako ng may magsalita sa gilid ko, si Charm pala.

"Eto parang nadaganan ng sumo wrestler" natatawang sabi ko
"Waaaaaahh Flame naman eh! Ano ba kasing ginawa mo? Pagkakita namin sayo buhat buhat ka na ni Frost at walang malay! Wala ka nga ring damit eh, ang suot mo yung coat ni Frost! Tapos si Frost naman ang isinigaw agad, 'Let's bring her to the hospital'. Huhu nikabahan tuloy ako ng sobra!!"

"Anong sinabi mo? Wala akong damit?"
"Oo,hindi mo na suot yung gown. Pero ang ssuot mo naman yung coat ni Frost, don't worry wala kaming nakita"

Wala silang nakita? Eh si Frost, anong nakita nya?! O////////////////O Shems! Bigti na.
Pero at least, tinulungan nya ako. Sya malamang ang dahilan kung bakit di nalasog lasog ang katawan ko, sa taas ba naman ng binagsakan ko. Okay, let's just look at the bright side... natulungan nya naman ako. Nasunog lang talaga siguro yung damit ko. Haist=_=

Sky Academy | PUBLISHEDWhere stories live. Discover now