Chapter 33

113K 4.5K 427
                                    


We are still here sa event center at naghihintay, mahigit isang oras narin kaming nandito at tahimik na naghihintay. At sa isang oras na yun ay hindi ko maiwasang di mapatingin kay Ice. Yes Ice, yun na muna ang itatawag ko sa kanya hanggat hindi pa sya ang tunay na Frost. Nasa loob parin sya ng cube at medyo ang creepy dahil nakikita ko syang ngumingiti ng kakaiba at paminsan minsan pa ay nahuhuli ko syang tumitingin sa akin at ngingiti ulit. Tumatayo talaga lahat ng balahibo ko kapag nagkakatinginan kami sa mata. Itim na itim kasi ang mga mata nya at nakakatakot, di ko alam kung sa akin ba sya nakatingin dahil all black nga yung mata nya.

Haist hanggang ngayon nga ay di parin ma digest ng isip ko ang katotohanang kami ang element guardians, at ako ang fire Guardian. Nakakaloko.

"Ang tagal naman nila"-sky

Kada minuto yata ay sinasabi nya yan, sobra na kasi talaga syang nagaalala sa kakambal nya. Kahit naman ako ay naiinip na.

"Si Frost" biglang sabi ko na nakakuha ng atensyon nila "Magiging okay kaya sya pagkatapos maihiwalay sa kanya yung masamang Ice Guardian?" Tanong ko

Natahimik sila ulit at di makasagot

"Magiging maayos sya" salita ng diwata "Mababawasan ang Mahika nya pero sigurado akong magiging maayos sya" sa sinabi nyang iyon ay nakahinga kaming lahat ng maluwag... lalo na ako. Hindi ko alam kung bakit pero sobra talaga akong nagaalala. Pakiramdam ko hindi ko kakayanin kung may mangyayaring hindi maganda sa kanya. Sana talaga maging maayos ang lahat..

Naagaw ang atensyon namin sa pagpasok ng ilang mga tao.. si Chill kasama sina Hunter.

"Nandito na sila!" Tuwang tuwang sabi ni Sky

"Mga ate! Kuya! Anong nangyari kay Kuya Frost? Sya ba yung nandoon sa cube na yon?" Kaagad na tanong ni Chill pagkalapit nya sa amin
"Bakit napaka biglaan ng pagpapatawag nyo?"-hunter

"Mahabang storya, basta ngayon kailangan muna namin ang tulong mo Chill"-jeanne
"Opo tutulong po ako, kahit ano sabihin nyo lang"-chill

"Sige mga element Guardian, pumwesto na kayo sa kung nasaan ang marka ng elemento na hawak nyo upang makapag simula na tayo" biglang sabi ng diwata habang nakaturo sa mga marka na nakapalibot sa cube kung saan nakakulong si Ice. Nang lapitan ko ang marka ng apoy ay umilaw ito ng kulay pula, ganon rin naman ang sa iba.

Ang sa akin ay bolang apoy, kay Chill ay tila malaking patak ng tubig, kay Sky ay ulap, kay Trixie ay isang tipak ng bato at kay Jeanne ay kidlat. Nakita ko rin na may isang bakanteng simbolo, isa itong snow flake, ang simbolo ng mahika ni Frost na syang tinayuan ng diwata.

"Mag concentrate kayo at ituon ang inyong kapangyarihan sa mga palad nyo"

Sinunod ko ang sinabi nya at itinapat ang mga kamay ko sa harap, pumikit din ako para mas makapag concentrate. Unti unti kong naramdaman ang kakaibang force na napupunta sa kamay ko, ito na, kaya ko to, kaya namin ito. Para kay Frost.
Narinig kong nag chant ang diwata ng lengwaheng hindi ko maintindihan at ilang sandali lang ay naramdaman kong nagiba na ang atmosphere.

"Now, release it" sabi nya

Nagmulat ako ng mga mata and eventually released my power. Huge amount of blazing fire came out of my palms, nang tumama ito sa cube ay inabsorb nito ang apoy at naging kulay pulang aurora. Pumaikot kay Frost ang iba't ibang kulay ng aurora, red from me, royal blue from Chill, sky blue from Sky, green from Trixie, gold from Jeanne and pure white from Kariza.

Ilang minuto pa ay isang nakasisilaw na liwanag at nakabibinging sigaw mula kay Frost ang narinig namin, pagkatapos naman nito ay ang isang malakas na pwersa na nagpatalsik sa amin.

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHH"

Napahiga ako sa sahig hindi lang dahil sa pwersang iyon kundi dahil na rin sa sobrang pagod, pakiramdam ko ay nasaid ang kapangyarihan ko. Pero hindi pa ako maaaring sumuko ngayon dahil alam kong hindi pa tapos. Nag angat ako ng tingin sa pinanggalingan ng pwersa kanina at doon ay natanaw ko si Frost... ngunit nagkamali ako dahil hindi si Frost iyon, kundi ang masamang si Ice. Sa tabi naman nya ay ang nakahigang si Frost, akala ko ay wala syang malay pero unti unti ay bumangon sya at umupo kahit na halatang nanghihina pa sya.

"Sa wakas, nakabalik na ako" wika ni Ice habang tinitingnan ang kanyang sarili

"Get him!" Sigaw ng hari

Patakbo pa lamang sila palapit kay Ice ay kaagad na silang tumalsik sa isang tingin lang nito.. ganoon pala sya kalakas.

Pinuno naman ng takot ang sistema ko ng balingan nya ako at bigyan ng isang kakaibang ngiti.

"Magkikita pa ulit tayo, mahal kong fire"

Naglaho na sya, sa isang kisap lang ay naglaho na sya. Magkikita? Bakit naman nya ako gugustuhing makita pa? Pero hindi ko nalang yung inisip at agad na tinakbo ang kinalalagyan ni Frost ng makitang babagsak na sya, hindi naman ako nabigo at nasambot ko sya. Ngayon nagtataka ako kung saan ako nakakuha ng lakas pra bumangon at takbuhin sya. Gayunpaman ay labis din ang pag aalala sa dib dib ko.

"F-frost, ayos ka lang ba?" Kaagad na sabi ko ng maihiga ko sya sa mga hita ko

Sigh. Why did I even ask him? Obviously he's not. It ain't helping. Nang matingnan ko sya ng maayos ay sobra sobra ang putla nya.

"H-hindi nyo... d-dapat yun g-ginawa" tanging nasabi nya
"Anong sinasabi mo jan?"
"H-hindi nyo dapat s-sya pinakawalan. Lalo *cough* nyo lang syang tinulungan" he coughed blood. Oh shit.

"Sir Sheen!" Pasigaw na tawag ko sa kanya

Nakita ko namang pinilit ng ibang makabangon at lumapit dito.

"H-hindi nyo dapat *cough* s-sya pina--walan *cough* delikado *cough*" he's coughing more blood

"Shut up Frost, mamaya ka na magsalita. Please"

"N-no *cough* habulin nyo sya. D-delikado--" naputol ang pagsasalita nya dahil tuluyan na syang nawalan ng malay

"Oh no, no, Frost wake up. Sir Sheen!"

Dumating na rin si Sir Sheen at ginamit nya ang kapangyarihan nya para pagalingin si Frost.

Grabe ng kaba ang nararamdaman ko sa pagkakataong ito. Sabi naman ng diwata ay magiging maayos lang si Frost, mababawasan man ang kapangyarihan nya pero magiging maayos sya, pero bakit ganito? Kakaibang kaba ang nasa loob ko. Si Frost kasi... sobrang putla na nya at parang wala ng kulay. Nang mahawakan ko rin sya kanina ay napaka lamig nya. Ano bang nangyayari?

"He's not responding, H-his heart..." sandaling natigilan si Sir Sheen at bakas sa mukha nya ang pagkagulat  "Stopped beating" pagpapatuloy nya

The next thing I knew... my eyes started to water. This is not happening, no way.





~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Vote and Comment po para sa ekonomiya! Haha

Sky Academy | PUBLISHEDWhere stories live. Discover now