Chapter 19

143K 5K 866
                                    


Flame's POV

"Oo naman Frost, maupo ka"

Naupo sya sa may sofa di kalayuan sa kama ko at tumingin lang sya sakin, nung naramdaman kong wala syang balak mag salita ay nagtanong na ako..
"Ano namang paguusapan natin Frost?" Tanong ko
"Sigurado ka bang wala kang maalala?" Nagdududang tanong nya

"Wala talaga"
"Kasi Flame, ako ang sinisisi ng iba sa pagkawala mo. May mg ebidensya kasi at ako ang tinuturong kumuha sayo, kaya kung may alam ka na kahit anong makakatulong sa paglutas nito. Sabihin mo agad"-frost

Shit, nakakakonsensya. Pero wala ako magagawa, sa tingin ko ito ang tama.

"Wag kang magalala Frost, alam ko namang hindi mo yung magagawa. Susubukan kong alalahanin" I sincerely said

Nang sinabi yun nakita ko na ngumiti sya ng konti. KONTI lang talaga kasi parang umangat lang ng sandali yung labi nya at balik na ulit sa dati.

Sandaling katahimikan ang nagyari pero hindi naman awkward, ayos lang. Nang bigla syang magsalita

"Si Troy"
"Anong meron sa kanya?"
"Ahh si Troy ba ano..."

Nangyari sa kanya? May gusto syang sabihin pero di nya matuloy tuloy, nagdadalawang isip pa siguro?
Tumingin lang ako sa kanya at ganon din naman sya, what's with the look?

"Hindi mo ba talaga sya boyfriend? I mean, is he a real gay?" Tanong nya na magkasalubong pa ang kilay.... cute

"Yes, gay talaga sya. Sinabi nya na sayo diba, nagdududa ka pa?"
"It's just a bit confusing" sabi nya pa
"Ayaw nya lang talaga ipaalam sa iba dahil sa family nya"

Napagalaman ko kasi na sya ang successor ng family nya, kaya nag aalala sya na baka di sya matanggap lalo na ng dad nya.

"Ganon ba"

Katahimikan nanaman ang namayani sa aming dalawa. Ganto rin talaga yung naiimagine kong mangyayari kapag kami lang dalawa, pareho kasi kaming tahimik di kagaya nina Charm na madaldal.

"Pwede bang magtanong?" Sabi nya nanaman
"Okay lang"
"May--- uhh ano" nagdadalawang isip nanaman sya, but seriously ang cute nya pala kapag naguguluhan sya

"Sabihin mo na" pag uudyok ko
"May nagugustuhan ka na bang lalaki?" He said while looking intently at my eyes

Nakakagulat. Seryoso hindi ko inaakala na magtatanong sya ng ganon sa akin, why so sudden?

Pero bigla din syang nagiwas ng medyo tumagal na yung titigan namin at di parin ako sumasagot "Pero kung ayaw mong sagutin ayos lang, I don't care. Really"

"M-meron" sagot ko, may nagugustuhan talaga akong lalaki ngayon pero hindi ko pa sigurado

"Bakit mo nga pala natanong?" Nakakapagtaka kasi
"Huh? A-ano---"

Pero bago pa nya matuloy ang sasabihin nya ay bimukas na ang pinto at may mga pumasok bigla ng di lumakatok.

"HELLO FLAME! NANDITO ULIT KAMI!!" sigaw ni Charm
"Hi" sabi ko lang
"Flame! I miss you!!" Sigaw naman ni Troy na kasama pala nila at saka tumakbo at niyakap ako na sinuklian ko naman

"Wooh kung nakakamatay lang ang tingin, kanina ka pa nakaburol Troy" si Johanne na tatawa tawa pa
"Di lang naka burol, gutay gutay pa" si Von na natatawa rin
"Huh?"
"Naku wala yon, wag mo intindihin"-jeanne

After that ay nagkwentuhan nalang kaming lahat hanggang sa biglang tumayo si Axel

"Hey hey kakanta ako, pakinggan nyo!"-axel
"Go on, my head phones are ready" pang aasar ni Jeanne
"Ha-ha funny"-axel
"Corny"-jeanne
"Tama na yan kumanta ka nalang Axel"-sky

Sky Academy | PUBLISHEDحيث تعيش القصص. اكتشف الآن