Chapter 34

118K 4.7K 987
                                    

Eto na eto na eto na... wag na po kayong magalit.xD haha

~•~•~•~•~







His heart stopped beating, yes it stopped... literally.
Akala ko nung umpisa ay patay na sya pero salamat at hindi. Hindi ko rin masyadong maintindihan pero nung mga pagkakataong yun ay nilapitan sya ng diwata at sinabing...

"His heart stopped beating, but he is still alive. His body is cold and still, like he's dead. But the truth is, he's just sleeping and no one can wake him up. And his mind is now in a different dimension. And it's all because of his frozen heart"

Ibig sabihin ay tulog lang sya, pero hindi daw sya kayang gisingin ng kahit na sino?

Dinala namin si Frost sa castle, sabi ng hari mas okay daw kung dito na muna kaming lahat.. mas safe, lalo na't kami ang element Guardian.

"Ano nang gagawin natin? Hindi naman pwedeng matulog sya habang buhay"-charm
"Para na rin syang patay kung ganon. May paraan pa naman diba Miss Kariza? May magagawa pa tayo."-sky looks really frustrated. Bakit nga ba hindi? Nagiisang kapatid nya si Frost, tapos ganito pa.

Magkakasama kaming lahat at naguusap usap. Nandito parin si Chill pero sina Hunter na naghatid sa kanya dito ay umalis na, may nangyayari din daw kasi sa Edulas pero hindi na namin kailangang problemahin dahil sila na ang bahala.

"Mayroong paraan, pero napaka delikado nito para sa taong gagawa"-diwata
"Kahit ano Miss Kariza, kahit ano para sa kakambal ko"-sky

"Sabihin nyo, paano ba tinutunaw ang yelo?" Tanong ng diwata
"Err? Papainitan?"-jeanne

Okay? Ano bang point nya? Papainitan ba namin si Frost?

"Papainitan po natin si kuya Frost?" Clueless na tanong ni Chill
"Hindi Chill, kailangan nating tunawin ang yelo na nakapalibot sa puso nya pero hindi sa literal na paraan. At ang taong sinasabi kong gagawa nito ay walang iba kundi ikaw, Flame. Ikaw lang at ang apoy mo ang may kakayahan."-diwata

"A-ako po?"
"Pero miss Kariza, kakasabi nyo lang na delikado. Ako nalang po ang gagawa"-sky
"Hindi Sky, hindi mo kaya. Hindi mo ba ako narinig? Apoy ang kailangan hindi hangin, kailan ka pa natutong gumamit ng apoy?"-diwata

Napatahimik kami dahil sa sinabi ni Kariza. Delikado pero ako lang ang makakagawa, kailangan kong... subukan. Kung hindi, hindi na magigising si Frost at yun ang hinding hindi pwedeng mangyari.

"Ano po bang kailangan kong gawin?"

Ngumiti ang diwata matapos ay nagsalita. Hindi na rin nakaangal ang dahil siguro ay nakikita nilang determindo na ako.

"Una, mahiga ka sa tabi nya" sinunod ko ang sinabi nya

"Hawakan mo ang kamay nya at pumikit. Magbabanggit ako ng spell na makapag papatulog sa iyo at ito ang magdadala ng diwa mo sa dimensyon kung nasaan din ang diwa ni Frost. At mula doon, ikaw na ang bahala, malalaman mo ang gagawin mo"

Pagkasabi nya non ay hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Frost. C'mon Frost, sana naman makisama ka. Tutulungan kita pero kailangan mo ring tulungan ang sarili mo.

Nagsalita na ang diwata ng isang lengwahe na hindi ko nanaman maintindihan and then everything went black.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pagkagising ko ay nasa isa akong paraiso, napaka ganda rito, maraming nga puno at bulaklak ang nasa paligid. Nagulat naman ako ng isang paruparo ang dumapo sa tungki ng ilong ko, haha ang cute lang marami rin palang ibat ibang hayop dito. Umupo ako sa ilalim ng puno at dinama ang malamig na hangin, relaxing.
Pero sandali, nasaan na ba ako? I tried remembering what happened pero hindi ko maalala. Ohshit. Nagka amnesia ba ako? Pero hindi naman ako nabagok ah.

Sky Academy | PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon