Chapter 41

104K 4K 598
                                    


"I love you too, Frost"

"Flame?" Tiningna ko kung sino yung nagsalita, sa harap ko ay nakatayo silang lahat. Sina Axel, Charm, Sky, Jeanne, Johanne, Chill at Trixie.
"A-anong nangyari kay Frost?"-sky

Napayuko nalang ako at umiling iling, wala na, wala na sya.

"Shit! What happened?! Sinong gumawa nito!?" Galit na sigaw ni Sky
"Na-namatay si Ice, kaya... namatay rin si-si Frost" sabi ko
"What do you mean?"-Axel

"Ibig nyang sabihin ay magkadugtong ang buhay nina Ice at Frost, ones na mamatay ang isa ay mamamatay rin ang isa. Remember? Iisang tao lang sila noon. Tama ba ako, Flame?" Trixie explained, mukhang binasa na nya ang isip ko.

Kung ang ibang panig ng lugar na ito ay napaka ingay sanhi ng digmaan na di parin matapos tapos, dito naman sa banda namin ay tahimik. Tanging iyak lang namin ang maririnig mo. Mababakas ang sobrang kalungkutan sa bawat isa. Sino ba namang hindi diba?

Nagulat naman ako ng may isang bagay ang lumitaw sa harap ko, isang maliit na bote na may lamang pulang likido. Ano naman to? Saan kaya to nanggaling?

Kinuha ko yon at tinitigan. Sinubukan ko ring alalahanin kung saan ko ito nakita, para kasing pamilyar.

"Magagamit mo iyan sa oras ng pangangailangan."  Bigla kong naalala ang mga katagang iyon na sinabi sa akin ni lola Eve noong pumunta kami sa kanila. Tama, sya ang nagbigay sa akin nito.
[A/n: Go back to chapter 23: Friend or Foe, kung hindi nyo na po ito maalala:)]

Sa oras ng pangangailangan? Ngayon ako sobrang nangangailangan. Wala namang masama kung susubukan ko diba?

Binuksan ko na yung potion at dahan dahang pinainom kay Frost. Naghintay ako ng ilang minuto pero wala namang nangyari, walang pagbabago. Hindi parin sya nabuhay, hindi parin sya nagmumulat ng mga mata. Napapikit ako ng mariin at napaluha nanaman. Mukhang wala na talaga, wala na.

Umasa lang pala ako sa wala.







~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Frost's POV

I'm dead. I know this is the end. Wala na, tapos na ako. Pero wala naman akong pagsisisi sa mga nangyari. I'm actually happy, happy dahil sa nakatulong ako. Happy dahil may nailigtas ako.
Pero sa kabila ng kasiyahang nadarama ko ay kasabay rin nito ang kalungkutan. Sino ba namang di malulungkot sa pagkamatay nya, diba?

Maliban doon ay nalulungkot din ako dahil di ko na sila makakasama, yung mga kaibigan kong lagi akong inaasar na snowman, yung kapatid kong lagi kong maaasahan... at si Flame na mahal na mahal ko. Kamakailan lang naging kami tapos ganito na kaagad, hiwalay na agad, tadhana nga naman oh.

Ang buhay talaga parang gulong, kapag dumating ka doon sa point na sobra sobra na yung saya mo, asahan mo na sobra sobrang kalungkutan din ang kasunod nito.

Pero alam nyo kung anong mas matindi? Naguguluhan ako. Bakit? Eh kasi nga diba patay na ako? So paano nangyaring nakakapag POV parin ako? Nangyari sa utak ni Author? But kidding aside. Seriously, naguguluhan talaga ako.

Sa pagkakaalam ko patay na ako pero nasaan na ako? Di pa ba ako patay? Pero hindi eh, sigurado talaga akong patay na ako! At ang alam ko kapag namatay dapat mapupunta ka doon sa lugar na maliwanag, yung sa langit ba? Eh bakit ang dilim dito? Wala akong ibang makita bukod sa sarili ko. Impyerno ba to? Pero bakit naman ako mapupunta sa impyerno, nagpaka bait naman ako ah. Pero bakit di mainit? At wala akong nakikitang mga taong may sungay? Ang gulo!

Simula ng mapunta ako dito ay lakad na ako ng lakad kung saan, mabuti nga't di ako nalalaglag sa kung saan. Pero wala naman yata akong pinatutunguhan. So ano? Stuck na ako dito? Forever na ba ito?

Sky Academy | PUBLISHEDWhere stories live. Discover now