Chapter 1 - Coming Home

11.9K 344 183
                                    

Napayakap ako sa aking sarili habang dinadama ang malamig na klima rito sa Paris. I was wearing the thickest coat on my closet. Kakatapos lang kasi ng winter season dito. Papatunaw na ang mga nagbagsakang niyebe kaya hindi biro ang nararanasang lamig ngayon.

Mabuti na lang at nakumbinsi ko pa rin ang kaibigan kong si Pantene na samahan ako sa pamamasyal dito sa parke sa tapat ng pamosong Eiffel Tower.

Sa makalawa na kasi ang flight ko pabalik ng Pilipinas. I've been working non-stop here for four long years. I'm a beauty ambassador of a newly commercialized cosmetics company. Resident ramp model din ako ng isa sa mga tinitingalang modeling agency rito na may mga kliyenteng pawang mga bigating fashion designers.

"Bea, same order right? Caramel Macchiato?" Naagaw ang atensyon ko sa aking ginagawang pagmumuni-muni nang tanungin ni Pantene ang order ko. Agad ko siyang nginitian at pagkaraan ay tinanguan.

Pagkabigay niya sa waiter ng order namin ay pinisil niya ang aking kamay. "Wala ka na talagang balak bumalik ng Paris?" she asked in a soft tone.

Co-model ko si Pantene. German ang ama niya samantalang Filipina naman ang kanyang ina. Isa siya sa maituturing ko na pinakamatalik na kaibigan ko rito sa France.

I granted her a thrift smile before making a reply. "Balak kong i-pursue 'yong kursong tinapos ko. Sayang naman kasi. Saka ayaw na rin akong pabalikin ng parents ko rito sa France."

Medyo biglaan din ang pagdedesisyon ko na huwag na i-renew ang kontrata ko rito. Na-stroke kasi ang daddy ko. Hindi kaya ni Mommy na mag-isang mag-alaga sa kanya. Kaming tatlong magkakapatid ay pawang sa ibang bansa nagsisipagtrabaho. Ako na ang nagparayang mag-give up ng trabaho sa ibang bansa.

Sinalubong ako ng malungkot na mga mata ni Pantene.

"Don't worry girl. I'm gonna visit you here. O kaya naman ako ang bibisitahin mo sa Pinas. Isama mo si Leonardo!" pagtutukoy ko sa kanyang Pranses na nobyo. Hinaplos ko ang kanyang balikat.

I was completely sure that I am going to miss Paris! This place taught me how to become independent, to work harder and to value every cent of your earnings. Ang pamamalagi ko rito ay siya ring naging daan para makalimutan ko ang mga mapapait na karanasan ko sa lovelife ko; iyong una kay Stephen, kasunod iyong kay Marco at ang panghuli si Terrence.

Pagkatapos naming mamahinga sa coffee shop ay naglakad-lakad kami sa parke. Sa kabila ng malamig na klima ay marami pa ring mga turista ang namamasyal dito ngayon.

Ngumiti ako sa cellphone na tangan ni Pantene. She was taking our photo. Souvenir ng mga huling sandali na magkasama kami rito sa Paris.

"I hope that you're going to bring a boyfriend when you come back to Paris!" panunudyo sa akin ni Pantene. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Excited ka na talaga na magka-love life ako!" Napahagalpak siya ng tawa.

"It's been a long time Bea. When is the last time that you get yourself into a serious relationship?"

"Sabi ko nga sa 'yo di ba? Feeling ko talaga na-jinx ako!" tugon ko. I pouted my lips.

Her eyes widened because of my statement. "That Terrence again! Hindi naman kasi totoo ang jinx mas naniniwala ako sa destiny!" Nagkibit balikat na lang ako.

Ayaw ko man paniwalaan pero sa tingin ko talaga ay sadya akong kinakarma! Sa four years na paninirahan ko kasi rito sa Paris, walang tumagal ng isang taon sa lahat ng naging boyfriend ko rito!

"Hindi mo pa lang kasi nahahanap 'yong the right one for you. Itigil mo na 'yong paninisi sa sarili mo. Immatured pa kayo pareho no'n saka di ba sabi mo naman hindi mo naman talaga naging boyfriend si Denver," pampalubag loob sa akin ni Pantene.

***

Alas otso ng umaga, Manila Time ang oras ng paglapag sa NAIA ng eroplanong aking sinasakyan galing Charles de Gaulle Airport. I decided to hire a cab dahil hindi rin ako masusundo nina Mommy.

Pagdating ko sa bahay ay dumiretso na agad ako sa kwarto ng mga magulang ko. Na-miss ko talaga sila.

"Bea mas gumanda ka ngayon anak," ang masayang bati sa akin ni Mommy pagkakita niya sa akin. Napangiti ako sa kanya. Hinawi ko ang bahagyang kulot at hanggang balikat kong buhok pagkaraan ay niyakap ko siya nang mahigpit.

They said I inherited most of my physical features from my mother. My eyebrows were slender that matched my rapture-brown eyes. I have a honey sweet thin lips and a dainty nose.

"Thank you Mommy sayang po at tulog si Daddy ngayon."

"Hayaan mo mamaya mas matagal kayong makakapagkwentuhan, pagkagising niya." Bumalik na muna ako sa kwarto ko para makapagpahinga.

Twice a month namin sinasamahan si Daddy sa doktor niya. Nag-hire din kami ng sarili niyang physical therapist para maging normal na ang paglalakad niya. Sa awa ng Diyos unti-unti namang bumubuti ang kalusugan ni Daddy.

Makaraan ang anim na buwan ay nagdesisyon na akong humanap ng trabaho. May ipinakilala sa akin ang best friend kong si Gwen na kaibigan niya raw na may kakilala sa HR Department ng Cher Hotel. Pinapasa niya iyong resume ko, kapag nagkaroon daw agad ng opening ay tatawagan daw ako agad.

Kaya naman sobrang saya ko nang makapasa ako sa job application ko sa kanila. Napabilang ako sa Administration Department.

***

Ngayong araw ang schedule ng meeting sa pagitan ng team namin at ng mga representatives ng Praxis Engineering Firm para sa proyektong Cher Hotel 2. Kasama namin ang halos lahat ng big bosses ng hotel.

Kaya naman isang napakabigat na responsibilidad para sa akin ang project proposal ng team namin, lalo pa at naitalaga ako bilang Assistant Supervisor.

Nine o'clock ang call time ng meeting. 8:30 AM pa lang ay naka-ready na kami sa loob ng conference room. Hinihintay na lang namin ang pagdating ng mga taga-Praxis.

Bandang 8:45 ay magkakasunod ng nagsisipasukan sa loob ng conference room ang mga bisita namin. I casted a glance at them.

Naunang pumasok ang maputi at seksing executive secretary ng Praxis Engineering Firm. Nakasuot siya ng itim na mini skirt na tinernohan ng pink na blouse. Kasunod niya sa paglalakad diumano ay ang Bise Presidente ng Praxis. Sobrang pormal nito sa suot na ternong corporate suit, nasa bandang kaliwa naman niya ang kanyang sekretarya. Panghuling dumating ang sinasabi nilang presidente diumano ng Praxis Engineering Firm.

Sandaling kinausap ako ni Rina kaya hindi ko agad nakita ang pagdating ng presidente ng Praxis Engineering Firm, may kausap din kasi ito sa kanyang cell phone habang papasok ito sa loob ng conference room.

Lumagok muna ako ng kape. I badly needed caffeine for this early meeting. May presentation pa naman ako mamaya.

Pagbaling ng tingin ko ay sobrang nanlaki ang mga mata ko pagkakita sa lalaking nakaupo na ngayon sa pinakagitnang upuan ng conference table. Literal kong naibuga ang iniinom kong kape.

Shit! Namamalikmata lang ba ako? Siya ba talaga 'to? Si Terrence na ex ko?

Si Terrence ba ang presidente ng Praxis Engineering Firm na makakasama namin ngayon sa meeting?

Napaawang ang labi ko habang pirming nakatulala lang sa kanya.

Tangina!

Got to Get Over YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon