Chapter 7 - Engagement

5.3K 189 55
                                    

Mabigat pa rin ang ulo ko pagkapasok ko sa opisina dala marahil ng matinding hangover, epekto ng dalawang gabing walang humpay na pag-inom ko ng alak. Bukod kasi sa girl's night out namin ni Gwen noong Sabado nag-imbita rin si Mike ng inuman session sa bahay nila kagabi. Buong gabing puno ng kulitan at tawanan ang namayani.

“Bes ang dami mong alam na mix ng cocktails ah?” pagpansin ni Gwen sa pagmi-mix ko ng drinks.

Mabilis kong inalog ang dalawang baso na magkapatong ang ibabaw. I mixed gin and vermouth since I was making a Martini. Ibinuhos ko ang laman noon sa mga cocktail glass na nakahain sa kitchen counter. Pagkaubos ng laman nito ay nilagyan ko ang bawat lid ng baso ng hiniwa kong lemon.

Inabutan ko sina Gwen at Charmaine ng mga hinanda kong cocktail drinks.
“Naman! Margarita, Bloody Mary, Tom Collins, Daiquiris or Cosmopolitan, name it. Sa France kasi sobrang hilig ng mga tao sa mga parties. Ang dami ko na ring alam na French cuisine, some other time ipapatikim ko sa inyo iyong version ko ng Sauteed Zucchini, Asparagus with Brie, Fish in Bechamel Sauce at Meat and Vegetables in Hollaindaise Sauce,” tugon ko sa kanya.

“Ang taray! Ang dami mo ng alam lutuin Bea ah! By the way, naikwento nga pala ni Gwen na nagkita raw kayo ni Marco sa Cher Hotel?” pag-iiba ni Charmaine sa topic ng usapan namin.

Tinanguan ko siya. “Oo, actually magkasama kami sa isang proyektong gagawin namin ang Cher Hotel 2. Siya 'yong project manager sa Planning and Design Department.”

“Di nga... Small world talaga 'no?” ang natatawang biro pa sa akin ni Charmaine.

“Small world 'no Bea?” parang nang-aasar pa na tanong ni Mike.

“Hoy Mike, 'wag ka ngang magmaang-maangan diyan, alam kong may alam ka!” ang walang pag-aalinlangang wika ko sa kanya.

“Ha? Anong alam ko? Baka itong si Jett ang may alam?” Sabay turo niya kay Jett. I gave Jett my savage look.

“Hala! Ano namang alam ko riyan? Busy ako sa pag-i-inventory sa tindahan ko nitong mga nakakaraang araw.”

“Okay fine, alam ko naman talagang hindi kayo aamin. Pero sana man lang po kasi in-alarm n'yo ako no’ng araw na 'yon. Hindi 'yong parang maha-heart attack ako sa pagkagulat doon sa loob ng conference room namin sa office pagkakita ko kay Marco. Iyon bang may pasintabi muna, kahit text or call ba naman sa akin. Di ba Mike? Di ba Jett?” mabilis kong sabi.

“Hayaan mo Bea sa susunod, tatawagan na kita agad para makapagpa-parlor ka muna,” tuloy-tuloy na wika ni Jett.

“Bakit naman ako magpapa-parlor? As if naman gustong-gusto ko siyang makita!” mataray kong tugon. Tinaasan ko siya ng isang kilay.

Ginatungan pa siya ni Gwen. “Sus kyeme! Di ba bes tinext mo nga ako agad no’ng araw na 'yon pagkakita mo kay Marco sa Cher Hotel. 'Tapos kagabi nga sa bar 'yon agad ang pambungad na chika mo sa akin.”

“Bes nagulat lang kasi talaga ako,” maagap kong sagot sa kanya. At tinukso na nila akong lahat pagkatapos noon.

“Wala na ba talagang chance na magkabalikan kayo ni Marco? Paano kung pinagsisihan na pala niya 'yong mga kasalanang nagawa niya noon sa 'yo? Paano kung magtapat siya ulit sa 'yo at sabihin niya na mahal ka pa rin pala niya hanggang ngayon?” kuryosong tanong sa akin ni Kirsten.

Mga ilang segundo akong natahamik. Kirsten got me there! Na-mental block ako. Wala akong maisip na pang-asar na sagot sa kanya.

Binuwisit pa tuloy akong lalo ni Mike dahil dito.”Namumula ka na Bea.” I gave him a sour grin.

“No way! That will never happen, even in your wildest dreams!” may diin kong sabi. Nagtawanan silang lahat pagkarinig sa naging sagot ko.

“You're so defensive girl that is a sign of not so moving on,” pang-aasar pang lalo sa akin ni Charmaine.

“Paano ba dapat ang reaksyon ng isang taong naka-move on na kapag nakaharap na niya iyong ex niya?” Pinasadahan ko ng tingin ang mga kabarkada kong panay pa rin ang pagngisi.

Because of this Charmaine aired her opinion. “Magkabarkada kayo ni Marco bago kayo mapunta sa next level which is courtship. Kahit papaano dapat naging civil ka man lang sana sa kanya noong nagkita kayo sa Cher Hotel. It has been nine years Bea. Dapat hindi ka na bitter 'no? You should at least offer him coffee at nakipagkamustahan sa kanya for old times' sake.”

“Really? Pourquoi est-ce que je suis obligé? (Why do I have to? In French)” wika ko. Tinaasan ko siya ng isang kilay.

“Ayan na, pine-French na tayo. Napipikon na 'yan!” Banat na naman ni Mike.

“Bes, hindi naman namin sinasabi na maging best of friends kayo. Ang gusto lang namin e 'yong maging civil na kayo sa isa't isa sa susunod na magkikita kayo ulit. It has been nine years Bes at dadating ang panahon na hindi malayong makakasama na natin ulit si Marco sa susunod na pag-ge-get together ng barkada kaya mas makakabuti iyong wala na kayong ilangan sa isa't isa,” payo ni Gwen sa akin habang tinititigan ako ng kanyang mga matang nanunuri.
Thus I reacted with a little bit of annoyance.”Fin merci... “(Very fine thanks in French)

All of my friends never stop to hound me all throughout that night. Sobrang obsess sila na magkabati kami ni Marco.

Sabagay matagal kaming magkaibigan ni Marco bago kami naging magkasintahan. Kaso parang hindi ko pa yata kayang gawin iyon sa ngayon. Ang hirap gawin, hanggang ngayon kasi nararamdaman ko pa rin iyong pait at sakit ng ginawa niyang pangloloko sa akin noon.

***

“Bea mukhang puyat ka?” bungad sa akin ni Millet pagkakita niya sa akin sa loob ng aming opisina.

“Sinabi mo pa friend, may hang-over pa nga ako ngayon.” Pupungas-pungas pa ako habang sumasagot sa tanong niya. Grabe naman talaga ang eyebags ko ngayon, mukha na akong panda.

“Kamusta 'yong report mo kay Ma'am Geronimo? May feedback na ba siya?”

“Wala pa. This week pa malalaman iyong details ng mga revision doon sa project proposal ng team namin.”

“Dudugo na naman ang mga utak ninyo riyan friend. Si Rina nga hindi mapakali pagkatapos no’ng naging meeting n'yo together with the Praxis Engineering Firm. Baka raw mapagalitan siya ni Sir Fernandez dahil sa nangyari.”

“Hindi naman siguro, sobrang mataas lang talaga ang tingin sa sarili niya no’ng Terrence na 'yon, kaya halos lahat ng proposal namin ay gusto niyang i-revise. Ang ganda na kaya ng na-conceptualize na project ng Marketing Department.”

“Bitter kasi si Terrence sa ex gf niya na taga-Administration Department, nadamay na lang talaga kaming mga taga-Marketing Department saka iyong Engineering Department.” Napangisi na lang ako dahil sa tinuran na iyon ni Millet.

Mayamaya pa ay biglang dumating iyong messenger ng opisina namin sabay abot sa akin ng isang kulay dilaw na envelope.

“Ma'am pa receive na lang po,” aniya. Pumirma ako roon sa receiving logbook na iniabot niya.

“Ano raw ito?” ang punong-puno ng kuryosidad na tanong ko sa mensahero ng aming kumpanya.

“Invitation daw po e. Sige po Ma'am, pupunta na po ako sa Marketing.”
Marahan kong binuksan ang kulay dilaw na envelope. Sa loob nito ay may kulay puting card. Sa harapan ng card ay may nakasulat na magkadikit na kulay dilaw na letrang CT in Monotype Corsive font style.

Magkasabay naming binasa ni Millet iyong nakasulat sa card at sadyang nalaglag ang panga ko sa mga nabasa ko.

Terrence Luke Ocampo Gonzales and Cher Louisse Dominguez Pineda.
Invites you to celebrate with them their Engagement Party on
July 28, Eight o'clock in the evening at the Cher Hotel Emerald Pavillion
RSVP.

Hindi talaga ako makapaniwala sa mga nabasa ko sa card. Paano ito nangyari? Si Terrence engage na sa anak ng may-ari ng hotel na ito.

“I can't believe this Millet si Terrence... He is now engage to Cher Pineda!”

Got to Get Over YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon