Chapter 2 - The Executives

7.4K 316 155
                                    

Kaagad akong humagilap ng panyo mula sa aking bulsa upang pahiran ang aking mukha. Mabuti na lang at hindi nahalata ng katabi kong si Rina ang nangyari sa akin. Abala kasi sila ng mga kasama namin sa pagbati sa mga bagong dating.

Matamis na ngiti ang iginagawad ni Terrence sa mga big bosses ng Cher Hotel na nakikipagkamay ngayon sa kanya. Hanggang sa umayos na sa kani-kaniyang pwesto ang lahat. Tila nag slow-mo sa pag-ikot ang mundo. Bumagal ang paraan ng aking paghinga nang biglang magtama ang mga mata naming dalawa.

Halatang nabigla rin siya pagkakita niya sa akin, his eyes widened.

Mga ilang segundo rin siyang nakatitig sa mukha ko. Hindi ko na rin mapigilan ang mga mata ko na pagmasdan siya. It was like I'm examining every detail of him.

Napakagwapo niya ngayon sa suot na dark blue long sleeve polo na nakalupi ang magkabilang manggas sa may bandang siko.

Grabe! Ang laki na ng pinagbago ng mga physical features niya, wala na iyong makapal na salamin sa mata na suot-suot niya palagi noong college pa kami.

Wala na rin siyang mga taghiyawat, samantalang dati ay walang paglagyan ang mga iyon sa kanyang mukha. Flawless na siya ngayon lumabas tuloy iyong pagka mestisuhin ng kutis niya.

Mas nadepina ang napakatangos niyang ilong. Almond-shape ang kanyang mga matang nakakahipnutismong makatingin; iyong tingin na nanunuot sa buong pagkatao mo. Mapipilantik ang kanyang mga pilikmata. Binagayan pa ito ng may bahagyang kakapalan niyang mga kilay na mas lalong nakakapagbigay sa kanya ng ma-awtoridad na katauhan. His hairstyle of slicked back hair with short sides makes him looks hotter.

Pinagmasdan ko rin ang braso niya na nakalapag sa ibabaw ng lamesa, maskulado na siya. Siguro ay gym buff na siya ngayon. Imposible kasing maging ganyang kaganda ang muscles ng isang ordinaryong tao nang hindi nagg-gym.

I can't deny it to myself. Sobrang gwapo ni Terrence ngayon. Iyong klase ng pagkagwapo na very distracting.

Shocks! Paano na 'to? Magpe-present pa naman ako rito sa conference room mamaya?

Importanteng proyekto pa naman ito para sa career ko. Mabigat ang responsibilidad na nakaatang ngayon sa akin, nakasalalay ang reputasyon ng departamento namin. Magagawa ko kaya ng maayos ang trabaho ko ngayon?

Puyat, pawis at lipas ng gutom ang pinagdaanan namin ng mga staff ko para sa presentation na ito.

Hindi na talaga ako mapalagay dahil nawawala na talaga ako sa konsentrasyon ko kapag napapalingon ako rito sa presidente ng Praxis Engineering Firm na walang iba kung hindi ang ex boyfriend kong si Terrence.

Lord nananaginip lang ba ako?

***

Nagbigay muna ng short briefing ang executive secretary ng Praxis Engineering Firm tungkol sa company profile ng kumpanya nila. Kasunod nito ang pagpapakilala niya sa presidente ng kumpanya nila na walang iba kung hindi ang ex boyfriend kong nerd na nag-turn into super duper hotshot guy na ngayon na si Terrence Luke Ocampo Gonzales.

"Good morning! My name is Engr. Terrence Gonzales. I am the president of Praxis Engineering Firm. As discussed earlier our firm is responsible in ensuring world class quality product in every structure that we are going to build," he stated with confidence.

"I am looking forward to a harmonious and productive relationship between Praxis Engineering Firm and Cher Hotel in the future."

Napaawang ang bibig ko. Ano raw? Ansabeh? Bakit wala akong ma-absorb sa mga sinabi niya kanina. Ang hirap talaga magkaroon ng kasamang distractingly hot ex boyfriend sa loob ng conference room. Nakakahiya naman na tanungin itong si Rina, lahat sila ay taimtim na nakikinig sa short speech nitong si Terrence.

Nabigla ako nang kinalabit ako ni Rina upang ipaalam sa akin na maaari na raw akong maghanda para sa PowerPoint presentation ko.

Shocks! Ako na pala ang magpe-present! Nawawala na talaga ako sa konsentrasyon ko. Kaya naman nagpaalam muna ako saglit na pupunta lang ako ng cr para naman kahit papaano ay mapakalma ko ang aking sarili.

Got to Get Over YouWhere stories live. Discover now