Chapter 8 - Cocktail

4.5K 180 54
                                    

Pareho pa rin kaming gulat ni Millet dahil sa mga nabasa namin sa card.

“Why they care to send me an invitation?” iritado kong tanong.

“Baka lahat ng officer ng hotel inimbitahan nila. Bukod siguro sa gagawing engagement party, ito na rin siguro iyong gabi kung saan ipakikilala na si Madam Cher as the incoming vice president ng Finance Department. RSVP ‘yong invitation kailangan mong mag-reply agad.”

“Hindi ako aattend!” determinado kong sagot.

“Sabi mo friend hindi ka na bitter?”

“Hindi na nga.”

“Anong tawag d’yan sa ginagawa mo? Kilos ba iyan ng isang hindi bitter na tao? Isa ka ng ampalaya girl!”

Natawa ako sa sinabi na iyon ni Millet. May pagkabaliw din talaga ang isang 'to.

“You have to go to that party kung talagang wala ka ng feelings sa ex mo.” I frowned at her. Her smile only widened.

“Ayoko!”

“Hindi ka pupunta kasi nga bitter ka pa. Mahal mo pa si Terrence! “

“Hindi ko na siya mahal! Hindi ko nga alam kung minahal ko ba talaga siya noong naging kami no’ng college.”

“Sige nga kung totoong hindi mo na siya mahal, pumunta ka sa engagement party nila ni Madam Cher. If you don't have any feelings towards him then prove it!”
It’s July 28,  around six o'clock in the evening. Manolo and I were patiently waiting for Rina at Cher Hotel's lobby.

“Manolo hindi ayos ang necktie mo,” pagpansin ko sa kasama kong Project Manager.

“Gano’n ba? Pakiayos naman Bea, matagal na kasi akong hindi nakakapagsuot ng corporate suit. Kapag may mga coat and tie events lang na katulad nito sa hotel kaya ako nakakaporma ng ganito.” Inulit ko ang pagtali sa necktie na suot ni Manolo.

Napagkasunduan naming tatlo nina Rina na sabay-sabay kaming pupunta sa engagement party. Piling-pili ang mga empleyadong inimbitahan sa nasabing event, iyong mga pawang nabibilang lang sa executive positions ang mga isinama sa guest list.

Cher hotel has 708 rooms in 8 types over its thirty floors, including 40 deluxe suites, 3 specialty suites and 1 presidential suite. The hotel has four restaurants that specialize in variety of local and international cuisines such as French, Italian, Japanese and Filipino. Kaya naman itinuturing itong isa sa pinakasikat na five star hotel sa buong Pilipinas.

Pagkarating ni Rina sa lobby ay tinahak na naming tatlo ang direksyon ng elevator ng hotel. Pinindot ni Manolo ang numerong “4”.

Madami rin kaming nakasabay na iba pang guest na papunta rin sa engagement party. Pawang mga socialites at pulitiko ang mga panauhin ng nasabing pagdiriwang.

Nakasuot ako ng violet na halter style dress, hanggang tuhod ang haba ng laylayan nito. Si Rina naman ay nakasuot ng  asul na backless style dress. Samantalang si Manolo ay nakasuot ng itim na corporate suit na tinernuhan niya ng asul na necktie. Pagdating namin sa fourth floor ng hotel tumungo na kaming tatlo sa Emerald Pavillion.

Isa ito sa pinakamahal na pavillion ng hotel, nasa 500 guest ang kayang i-accommodate ng buong venue. Pagpasok pa lang namin kapansin-pansin na ang pagiging elegante ng lugar. Napapalamutian ito ng iba't ibang uri ng bulaklak katulad ng roses, daisies at tulips.

May mga naglalakihang chandelier din na nagsisilbing disenyo ng mataas na ceiling. Lutang na lutang ang kulay na puti at ginto sa buong venue. Sa bandang dulo ng pavillion ay mayroong itinayong entablado, ito marahil ang siyang magsisilbing stage para sa gaganaping programa mamaya. May matatanaw rin na mahabang lamesa at sampung upuan sa gilid nito. Iyong dalawang upuan sa gitnang parte ng mesa marahil ang magiging uupuan nina Terrence at Cher.

Got to Get Over YouWhere stories live. Discover now