Chapter 9 - The Project

3.7K 154 45
                                    

Pagkarating ko ng comfort room nasa limang katao ang kasalukuyang naroroon. Agad kong inayos ang kumalat na mascara sa aking mata habang nakaharap ako sa salamin.

“Sino kaya iyong babaeng iyon na nanakit kay President Terrence no’ng college siya?” ang puno ng pagtatakang tanong ng babaeng naka-moss green na long gown sa kanyang katabi. Kasalukuyan sila ngayong nag-reretouch ng kanilang make up.

“For sure, laki ng panghihinayang no’ng girl na 'yon. Sorry na lang siya kasi ikakasal na si President Terrence kay Madam Cher. At bagay na bagay silang dalawa,” sarkastikong wika ng kasama niyang babae.

Pakiramdam ko ay para nila akong binabato dahil sa masasakit na mga salitang sinasabi nila ngayon. Their tongue-lashing remarks really insulted me. Nang mabakante ang isang cubicle ay dali-dali na akong pumasok dito. Ayoko na rin kasing may marinig pa akong mga salitang hindi kanais-nais.

Pagkatapos noon ay nag retouch na akong muli ng make-up ko. Salamat na lang talaga at umalis na iyong dalawang babaeng nag-uusap kanina. Pagkaraan kong magre-apply ng lipstick ko ay lumabas na ako ng lady's comfort room.
Habang naglalakad ako sa may hallway natigalgal ako nang makasalubong ko ang isang lalaki na mukhang papunta ngayon sa direksyon ng panlalaking cr.
Si Marco!

Lord bakit naman po ganito? This past few days, napapansin ko pong masyado kang nagiging mapagbiro sa akin!
Hindi ba pwedeng isa-isa lang naman po per day? Kung si Terrence ngayon, hindi ba pwedeng sa ibang araw ko naman po makita itong si Marco?

Akmang kakausapin niya ako kaya umiwas agad ako ng tingin mula sa kanya. Dali-dali na akong naglakad papalayo mula sa kinaroroonan niya. He got a lot of nerve to even try!

Napansin ko naman na hindi na rin siya nagpumilit pa na magtangkang kausapin ako at dumiretso na siya sa paglalakad patungo sa direksyon ng men's cr.

Hindi ko pa talaga kayang makipag-usap sa kanya. Kahit na siyam na taon na ang nakalilipas ay nasasaktan pa rin ako. Siguro kasi of all the people hindi ko lang talaga in-expect na kaya akong lokohin ni Marco.

Iba kasi talaga iyong pagkakilala ko kay Marco ang tagal naming naging magkaibigan bago ko siya naging boyfriend, akala ko kilalang-kilala ko na siya na mabait siya at hindi niya ako magagawang saktan. I trusted him so much. Akala ko hindi siya gago! Pero nagkamali ako. Kaya siguro ganito na lang talaga katindi iyong sakit. Ang hirap makalimutan!

Inagahan ko ang pagpasok ko sa aming opisina pagdating ng Lunes dahil eight o'clock ang call time ng meeting namin. Pagkadating ko ng opisina ay dumiretso ako agad ng punta sa may pantry. Nagtimpla ako ng kape at kumuha ng dalawang slice ng toasted bread. Hindi na kasi ako kumain ng agahan kanina sa condo dahil nagmamadali na talaga akong pumasok ngayon. Takot kasi kong ma-late sa scheduled morning meeting namin.

“Bea, hindi ka pa nagke-kwento sa akin kung ano ang mga nangyari noong um-attend ka sa engagement party ng ex mo?” bati sa akin ni Millet habang umiinom ako ng kape.

“Don't start my friend, sobrang na-bad vibes ako noong gabing iyon. Dapat talaga hindi na lang ako um-attend,” I said with a bit of exasperation in my voice.

“Really? Na-bad vibes ka ba kasi nagseselos ka?” ang walang pakundangan na namang tanong ni Millet sa akin. She was very tenacious as ever.

“Whatever!” I whispered irately before walking away from her.

Dali-dali akong tumalilis ng lakad papunta sa desk ko. Pagkaupo ko sa swivel chair, napansin ko na nakasunod pa rin pala siya sa akin.

“Hay naku Bea umamin ka na kasi, sa tatlong taon nating pagkakaibigan dito sa opisina, kilalang-kilala na kita. Nag wo-walk out ka kapag nabubuko ka na,” Millet was on her all-out-effort to interrogate me.

Got to Get Over YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon