Chapter 5 - That Guy

6.5K 203 101
                                    

Hindi na nakapagtataka ang pagka-late ko ngayong araw. Hangover sucks!

8:30 AM na ako nakarating sa Admin's Office. Pinagtitinginan ako ng mga ka-opisina ko habang mabilis akong naglalakad papunta sa cubicle ko. I could feel the blood rose up on my cheeks.

Wish ko lang sana ay hindi mainit ang ulo ni Ma'am Geronimo ngayon kasi siguradong mabubugahan ako ng apoy no’n. Ginapangan ako bigla ng kaba.

Kaya binilisan ko na ang aking paglalakad.

Pagkaupo ko sa swivel chair ay nagpalinga-linga ako sa paligid. Napabuntong hininga ako habang nakahawak ako sa aking dibdib. Thank God at wala si Ma’am Geronimo, hindi niya ako nakitang late.

Agad kong kinuha iyong transcript na ginawa ko kahapon habang nasa meeting kami kasama ang mga taga-Praxis Engineering Firm. Bigla ko na naman tuloy naalala iyong over-confident at sarcastic kong ex boyfriend na si Terrence.

Maganda naman ang konsepto ng proyekto namin lalo na iyong overall presentation namin kahapon, wala na siyang ginawa kung hindi i-reject iyon.

Pumunta ako saglit sa pantry upang makapagtimpla ng kape. Pagkabalik ko ng aking cubicle ay kinausap ako ng officemate ko na si Xavier.

“Bea may emergency meeting daw tayo, punta muna raw tayo ng conference room,” aniya.

“Ah okay, sige susunod na lang ako kukuhanin ko lang iyong planner ko,” ang naging tugon ko habang hinahalo ko ng kutsara ang tinimpla kong kape.

Makalipas ang tatlong minuto ay pumunta na ako ng conference room ng departmento namin. Pagkabukas ko ng pinto, nanlaki ang aking dalawang mata sa lalaking aking nakita.

Si Marco...

Double crap!

Ano na ba ang nangyayari sa mundo at bigla-biglang nagpapakita sa akin lahat ng ex boyfriend ko?

Kung nakaya ko ang naging pagkikita naming muli ni Terrence kahapon, heto yatang pagkikita naming muli ngayon ni Marco ay hindi ko na kakayanin!

Kalorkey!

Earth, swallow me whole now please!

Nag-krus ang mga mata naming dalawa. His reaction after seeing me was unreadable. Mapait ko siyang tinignan. Nakasuot siya ng isang pormal na black corporate suit.  Pagkatapos noon ay binabaan ko na siya ng tingin.

Nakabalik na pala siya ng Pilipinas. Kailan pa? Don’t tell me na makakasama rin namin siya ngayon sa meeting?

Hindi ko alam kung bakit kahit na anong pilit ko na iwasang matingnan si Marco ay hindi ko magawa. Hindi ko makontrol ang paglalakbay ng mga mata ko patungo sa direksyon niya. Abala silang nag-uusap ng isang lalaki na sa tingin ko ay kasama niya.

Napakurap-kurap na lamang ako habang tila dina-disect ng utak ko ang bawat parte ng katawan nitong si Marco. Hindi maipagkakaila na mas lalo siyang gumwapo ngayon, mas pumuti rin siya dala siguro ng pamamalagi niya sa Canada sa loob ng limang taon. It really suited his damn ass bad boy features. Mas na-highlight ang matangos niyang ilong at manipis na mga labi.

Kahit naka-corporate suit siya ngayon astig pa rin tignan ang porma niya. You could still feel the roughness on his aura. His haircut of short sides with medium length hair on top really matched his ruggedness.

Alam kaya ito nina Gwen, Mike at ng buong barkada? Pagkatapos niya kasing magpunta at magtrabaho sa Canada wala na rin sila masyadong naging communication nina Mike, nagkaroon na sila ng malaking gap simula noong mag-break kaming dalawa at ipagpalit niya ang aming barkada sa girlfriend niyang si Tricia.

Naalala ko na naman tuloy iyong nakaraan namin. Why does the past keep on haunting me now?
 
Marahan akong naglakad patungo sa bakanteng upuan ng conference room, sa tabi ni Millet. Mga apat na upuan ang nasa pagitan namin ni Marco.

Got to Get Over YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon