Chapter 4- Distort

6.4K 240 73
                                    

Pagkatapos makapagsalita ni Terrence ay nagkaroon ng agreement sa pagitan nina Sir Fernandez, ang bise presidente ng Praxis at ang presidente nila na si Terrence.

Halos lahat ng napagkasunduang detalye ng gagawing proyekto ay pawang mga suhestiyon lahat ni Terrence. Base sa nakikita ko ay malaki talaga ang tiwala ng management sa Praxis Engineering Firm.

The meeting was adjourned at around 1:00 PM. Dumiretso na ako ng punta sa canteen para kumain ng lunch. Naiwan pa sa loob ng conference room si Sir Fernandez at iba pang representatives ng Praxis Engineering Firm.

Hindi na ako sumabay kumain sa mga kasama ko sa meeting kanina dahil kasabay rin nila sa pagkain ang mga taga-Praxis. Nagdahilan ako na may importante pa akong aasikasuhin. Hindi ko na talaga kaya na pati ba naman sa pagkain ko ng tanghalian ay makakasama ko pa si Terrence.

That sarcastic and arrogant Terrence, porke't presidente na siya ngayon ng isang kumpanya kailangan ng maging maangas?

Kung hindi ba naman siya campus nerd noong college pa kami, walang nagkakagusto, walang pumapansin at take note ako lang yata ang naging girlfriend niya noon. Kaya huwag siyang maging masyadong mayabang ngayon, alam ko kung ano ang nakaraan niya!

Pagkatapos kong kumain ng lunch ay dumiretso na ako sa desk ko. Kaso wala pa rin talaga ako sa wisyo ko. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang ex boyfriend kong kasama ko sa meeting kanina.

Nakasalubong ko ang kaibigan kong si Millet sa may corridor.

"Hi friend, kamusta ang meeting?" bati niya sa akin. I just shrugged my shoulders and continue walking towards our office direction.

Sinabayan niya ako sa aking paglalakad. "Bad mood ka yata?"

"It's the apocalypse Millet!" Mabibikas ang pagkagulat niya pagkarinig nang sinabi ko. Tumaas ang magkabila niyang kilay.

"Ano ba kasi talaga ang nangyari? Rejected ba talaga lahat ng proposal n'yo? Nagke-kwento nga si Rina kanina sa loob ng opisina namin. Ang dami raw for revision no'ng project."

Huminto ako saglit sa aking paglalakad upang tugunin ang tanong na iyon ni Millet.

"Hindi lang 'yon, may mas grabe pa ro'n!" Millet was really intrigued. Her full attention was focused on my features.

"The president of Praxis Engineering Firm who murdered our team's proposal happens to be my ex boyfriend!" Nakita ko ang biglang paglaki ng kanyang dalawang mata.

"Whaaaat! Sino?" Halata ang matinding pagkagulat niya. Mas namilog pa ang kanyang mga bilugang mata.

"Si Terrence!" nanghihina kong tugon.

Nang ganap ng alas singko ng hapon ay mabilis akong nag-out sa aming opisina. I really need some fresh air. I need to drink!

Wala naman akong maayang mag-bar ngayon kasi hindi pwede si Millet may date raw sila ng boyfriend niya at puro rin busy ang iba pang kaibigan ko. So I ended up drinking alone in my condo unit.

Sa sobrang kalasingan ko noong gabing iyon, kung ano-anong mga kalokohan ang pinagsusulat ko sa ginagawa kong report na ipapasa ko kay Ma'am Geronimo.

Based from the data gathered and the evaluation I made from our meeting with Praxis Engineering Firm I would like to tell that President Terrence Gonzales was a perfect example of an a*s h*le!!!

Stupid, sarcastic, arrogant, bastard, pimple-ish... Campus nerd!!!!!

What kind of mind will disapprove that incredible project conceptualize by our team?

Gamit ang aking stylus pen ay gumuhit ako ng bilog, nilagyan ko ng maraming tuldok ang kabuuan nito. Hanggang sa nagmistula na itong mukha ng isang lalaki na tadtad ng taghiyawat.

Sinulatan ko pa ito ng salitang "LOSER" sa bandang noo. Ginawan ko rin ng caption ang ibaba ng aking drawing, pinangalanan ko ito ng "President Terrence Gonzales, the A*S H*LE! Ang taghiyawat na tinubuan ng mukha!"

Nakatulugan ko na ang pagsusulat sa laptop ko. Hindi ko maalala kung na-email ko ba kay Ma'am Geronimo iyong partial report ko.

Sana naman ay hindi ko nai-send iyong mga kalokohang pinagsusulat ko tungkol kay Terrence. Nakakahiya naman kapag nabasa niya iyon. Baka masisante pa ako.

Got to Get Over YouTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang