Chapter 3 - Revenge of An Ex

6.5K 270 91
                                    

Pagdating ko ng cr. Habang nakatitig ako sa salamin. Para na talaga akong baliw na kumakausap sa sarili ko.

OMG! Of all the people bakit si Terrence pa? This can't be. Napahilamos na ako sa aking mukha.

Tiyak na galit pa rin siya sa akin hanggang ngayon.

Parang nakalimutan ko na tuloy iyong mga sasabihin ko sa presentation ko mamaya. I think I am in the brink of disaster!

Relax Bea kaya mo 'yan...

Kalma lang, hinga nang malalim.

Thirty minutes presentation lang 'yan, nakasalalay rito ang pangalan ng Administration Department remember?

Pagbalik mo ng conference room, isipin mo lang 'yong prinaktis mo at make sure na kapag napalingon ka sa gawi ni Terrence huwag na huwag mo siyang titignan sa mga mata niya.

Pagkabalik ko ng conference room ay nakahanda na iyong projector para sa presentation ko. Umayos ako ng tayo sa harapan ng projection screen habang ramdam ko ang mga mata ng mga kasama ko na buong atensyon na nakatuon ngayon sa akin.

Nagsimula na akong mag-present. Mabuti naman at nakapag-discuss ako ng maayos.

"These are the things to be considered for this project. Later the Marketing Department will expound the details regarding the advertising and promotional concerns of the said project and Engineering Department for the technical details," panghuling pananalita ko.

Pumalakpak ang halos lahat ng tao na nasa loob ng conference room pagkatapos kong mag-present. Napasulyap ako kay Terrence, hindi ko mabanaag kung ano ang mga iniisip niya, hindi ko mawari kung nagustuhan niya ba iyong mga ideyang ipinaliwanag ko o hindi. Sumunod naman na nag-discuss sina Rina at Manolo.

Pagkatapos ng presentation namin bilang mga kinatawan ng Cher Hotel, sumunod na nagsalita si Terrence para malaman namin kung may mga dapat ba kaming baguhin sa detalye ng proyekto ng Cher Hotel 2.

Umpisa pa lang ng pangungusap niya ay halatang dismayado na ito.

"I totally disagree with their marketing strategy Mr. Fernandez. Their proposal is impossible for this project knowing what type of market Cher Hotel 2 is aiming for," his stinging remark on the proposal of Rina.

"Hindi ba nila pinag-aralan ang kabuuan ng proyekto? Bakit ang daming mali. Kakausapin ko si President Pineda tungkol dito at sasabihin ko na palpak ang buong konsepto ng team n'yo!" may diin niyang sabi. Magkasalubong ang magkabila niyang kilay dala ng labis na pagkadismaya.

Walang umiimik ni-isa man sa amin. Tahimik lang din na tumatango-tango si Sir Fernandez, matapos na marinig ang mga tinuran na iyon ni Terrence. He seemed very absorbed with his thoughts.

Nagtuloy-tuloy pa sa kanyang pananalita si Terrence. Mas lalong kumunot ang kanyang noo. Mabibikas sa kanya ang labis na pagkadismaya sa naging project proposal namin.

"We will consider that observations of yours President Terrence," maagap na tugon naman ni Sir Fernandez.

Napayuko na lamang kami ng tatlong project manager na kasama ko dahil sa dinanas na labis na kahihiyan.

Minsan napapaisip tuloy ako kung panget ba talaga 'yung proyekto na inilahad ng buong team namin. Bakit kasi sobrang badtrip naman niya? Sinupalpal niya talaga lahat ng aming pr-in-esent. Feeling ko tuloy namemersonal na siya!

Porke ba at kasama ako sa team na nag-present ay ibabasura na niya ang buong project proposal namin? Hindi pa ba siya nakaka-move on?

Got to Get Over YouWhere stories live. Discover now