Chapter 10 - Employee's Night Out

3.8K 155 80
                                    

“This week is really tiring. I think we need to chill out guys,” pag-aaya ni Manolo sa grupo namin habang kumakain kami ngayon ng tanghalian sa canteen.

“Right! Lumabas naman tayo sa Sabado. Isama rin natin iyong mga taga-Praxis Engineering Firm,” suhestiyon ni Rina, matamang minamasdan niya ang reaksyon naming lahat tungkol sa ideya niya.

“Oo ba, i-invite rin natin si President Terrence!” Kinikilig pa si Ethel habang sinasabi ito sa harap naming lahat.
“Sasama kaya ‘yon? Baka hindi siya payagan ni Madam Cher?” pagtatanong naman ni Adrian.

Tahimik lang ako habang nakikinig sa kanila. I really don't think that it will be a good idea!

Mayamaya pa ay biglang napadaan si Marco sa harapan namin. Tinawag siya ni Manolo.

“Marco are you free on Saturday? Sama ka, mag-Startle Bar tayo?” Manolo said while glancing at Marco's direction.
Napalingon si Marco sa kinauupuan ko bago siya sumagot. I gave him my evasive look. Agad din akong nagbaba ng tingin.

“Oo pwede ako no’n, text nyo na lang ako kung anong oras.”

“Sige bro.”

That does it!

Sa tinagal-tagal din ng ginagawa kong pag-iwas kay Marco mukhang mababalewala rin ang lahat ng effort ko sa darating na Sabado. Kapag hindi naman kasi ako sumama ano na lang ang sasabihin sa akin ng mga staff ko sa departmento namin? Iiwas na lang siguro ako sa kanya sa bar, doon na lang ako sasama sa mga staff ko. Saka madami naman kaming sasama sa Saturday night out na iyon, magagawa ko naman sigurong makaiwas kay Marco.

While I was in my condo, around 10 pm, I received a call from Gwen.

“Bes I miss you na!”

“Ako rin Bes nami-miss na kita kailan kaya tayo ulit makakagala?”

“Oo nga e, sobrang busy mo na kasi riyan sa Cher Hotel 2 Project n’yo. By the way nag-aaya nga pala sina Mike na mag-Singapore sa long weekend sa August 30.”

“Singapore! Agad-agad? May ticket na tayo?”

“Oo may isa tayong bigating kabarkada na nag-sponsor ng ticket nating lahat.”

“Really? Sino naman 'yon? Si Jett ba ang grocery store tycoon?”

“Hindi 'no, nag-iipon iyon para sa future nila ni Kirsten.”

“E sino naman iyon? Imposible namang si Patrick kuripot pa rin iyon hanggang ngayon.”

“Hindi rin si Patrick, sino ba iyong isa sa mga kabarkada nating big shot na ngayon?”

“Ikaw ba iyon Bes? Ang nag-i-isang heredera ng mga gasoline station. Ikaw na!”

“Hindi rin ako Bes.”

“E sino ba iyong galante na iyon Bes?”

“Si Marco!”

Hindi ako nakaimik pagkatapos banggitin ni Gwen ang pangalan niya.

“Pambawi raw niya sa atin sa matagal na panahon na hindi niya tayo nakakasama.”

“Guilty iyon e kaya iyon ganyan.”

“Bes hanggang ngayon talaga galit ka pa rin sa kanya.” Napatikhim ako.

“Oo Bes, hindi ko pa rin siya kayang patawarin hanggang ngayon.”

“Bes ang tagal n’yo ng magkasama sa trabaho, hanggang ngayon ba wala pa ring chance na nakapag-usap man lang kayong dalawa tungkol sa nangyari sa inyo noon? Para may closure na kayo,” seryosong saad ng best friend ko.

Got to Get Over YouWhere stories live. Discover now