Sir,You're Hot. -4

58K 745 99
                                    

"Stop staring at me."

Ito ang unang pangungusap ni Sir Medrana sa akin para sa araw na 'to. Hindi ko naman siya tinitignan at pinapakinggan dahil pilit lang ang pagkakasali ko sa Debate Team na pinamumunuan niya. This organization is so boring. Nakapalumbaba lang ako likuran habang hinihintay na matapos lahat ng gagawin niya.

"I am not staring at you," I answered. Wala akong pakialam kung napuno niya ang isang buong classroom para maghanap ng members ng Debate Team. Wala rin akong pakialam kung lahat ng aspiring members ng Team niya ay puro babae. Alam ko naman na sumali lang sila dahil si Sir Railey ang adviser ng organization na ito. This fact sucks. Sumali sila dahil kay Sir Railey.

Nagpatuloy sa pagsasalita si Sir Railey habang ako naman ay nagpapahalatang hindi ako nakikinig sa kanya. Sa lahat ng aspiring members sa loob, ako lang ang walang pakialam sa sinasabi niya. Hindi rin ako nagsusulat ng notes sa tuwing sasabihan niya kami. Inaasar ko pa siya sa pamamagitan ng pagpapaingay ng ballpen. Gusto ko siyang ma-distract.

Matapos ang mahabang paliwanagan, inilabas niya mula sa isang long brown envelope ang test papers para sa elimination. Hindi kasi basta-basta ang paghahanap ng members ng isang organization. Kailangan ng screening para malaman kung sino ang karapat-dapat sumali.

Nang naialis niya na ang test papers sa lalagyan nito, naglakad siya papunta sa upuan ko sa likuran dala-dala ang mga papel na iyon. Nagtaka ako. Bibigyan niya rin ba ako ng test paper samantalang pinakiusapan lang ako ni Dr. Pantorillo na maging member ng Team?

"Miss Rebecca Marie Canlas, kindly distribute these papers to the students, okay? Ayokong nakatingin ka lang sa akin maghapon," he whisphered as he smirked. Bakit alam niya ang kompletong pangalan ko?

Nakatingin sa amin ang mga estudyanteng nasa loob. Hindi ako nagpahalatang hindi ko alam ang gagawin. Agad kong kinuha ang test papers kay Sir Railey at pumunta sa harapan.

"Get one and pass."

At nang magkaroon na ng test paper ang bawat estudyante, muli akong nilapitan ni Sir Railey.
"You're doing it good," bulong niya ulit sa akin. His arms are folded. He's smiling as if nang-aasar siya. Ano bang balak niya? Asarin ako maghapon?

"I don't care," sagot ko. Iniiwas ko muli ang tingin ko sa kanya.

Pagkatapos ng isang oras, pinahinto na ni Sir Railey ang mga estudyante sa pagsasagot sa kanilang test papers. Isa-isa niya ng pinapasa ang mga papel at pinagpalit-palit ang mga ito. Ngayon rin pala che-check-an ang mga test papers.

Nakaupo pa rin ako sa likod. Tinitignan ko kung papaano niya i-hahandle ang lahat. Kaya lang, hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapatingin sa kabuuan niya habang nagpapa-check siya ng test paper.

Nakasuot siya ng pulang long sleeves na hindi naka-tuck in. Tinernuhan niya ito ng maong pants at brown na sapatos. May suot siyang bracelet na itim sa kanang braso niya. Nakausuot rin siya ng salamin. At higit sa lahat, mapula at manipis ang labi niya.

"Miss Rebecca?"

Nagulat ako nang tawagin niya ako. Agad kong inialis ang pagkakatingin ko sa kanya. Inayos ko rin ang upo ko. Pero, pinapunta niya ako sa harapan para basahin ang mga pangalan ng nakapasa sa Debate Team. Pangalawang punta ko pa lang sa harapan at tsaka ko palang napansin si Roxanne, Almie at Shiela na nag-take rin pala ng exam para sa Team na ito.

Nasa harapan silang tatlo at nakaupo sa mismong tapat ni Sir Railey. Lahat sila, parang pusang handang sumalakay sa ulam na nasa lamesa. Kahit hindi nila sabihin sa akin, alam kong sumali lang rin sila dahil ang adviser at coach ng organization na ito ay si Sir Railey. Nakatingin sila sa akin. Lahat sila nakangiti at tipong nang-aasar rin.

Sir, You're Hot. FINISHED.Where stories live. Discover now